• Home
  • Fresh Scoops
  • Toni Gonzaga, may early bets na bilang Big Winner sa ‘PBB: Otso’

Toni Gonzaga, may early bets na bilang Big Winner sa ‘PBB: Otso’

Sa ngayon, wala pa daw plano sina Toni Gonzaga at Paul Soriano na sundan na si Baby Seve.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

5/30/2019 10:50 AM
Toni Gonzaga, may early bets na bilang Big Winner sa ‘PBB: Otso’


Gabi-gabing napapanuod si Toni Gonzaga bilang isa sa mga host ng Pinoy Big Brother: Otso.

Dito, nabanggit ni Toni bilang host na unti-unti ay nagkakaroon na sila ng mga personal bet kung sino ang karaptdapat na maging big winner sa season ng PBB.

“Meron na akong nakikita na malakas yung following nila may mga ganyan na kami. We’re welcoming our last batch for this season and I think magsasama sila lahat and then big night na,” sabi ni Toni.

Bilang isang movie producer naman, nagbigay ng update din si Toni sa isang movie project na ginagawa ngayon ng kanyang nakababatang kapatid na si Alex Gonzaga kasama si Xian Lim.

“It’s the movie of Xian and Alex. It’s in the works na so hopefully this year,” kuwento pa niya.

At bilang nanay naman, mala-sitcom din ang eksena nila ni Baby Seve tuwing kasama ang mga Lolo at Lola nito.

“Ganun na nga sila eh. Sila nga yung kapag sinabi ko na ‘no’ sa mall, mamaya naka ‘yes’ na sila, nabili na yung toy eh. So nandoon kami sa stage na ganun,” pahayag pa ni Toni.

Dahil busy sa kani-kanilang mga careers, no plans muna sina Toni at Direk Paul na sundan na si Baby Seve pero kung magkakaroon man, welcome na ito sa kanilang pamilya.