Regine Tolentino, bakit nga ba proud ABS-CBN baby?

Isa si Regine Tolentino sa mga original member ng Star Magic Circle.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

5/30/2019 10:58 AM
Regine Tolentino, bakit nga ba proud ABS-CBN baby?


All smiles ang TV host at hot momma na si Regine Tolentino nang nakapanayam ito ng PUSH sa isang special post-Mother’s Day event.

Dito, masayang ibinahagi ng tinaguriang Dance Diva ng Pilipinas na sa kabila ng pagdagdag ng kanyang edad, aniya, hindi niya ito nararamdaman dahil sa kanyang healthy routine and lifestyle.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

While the sun's out ☀️💕

A post shared by Regine Tolentino (@reginetolentino) on

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Glamazon 🦁

A post shared by Regine Tolentino (@reginetolentino) on

“Actually I’m really lucky that I feel more energized now. Ngayon lang talaga ako nagkaroon ng mas maraming oras like fitness schedule talaga. If it’s part of your routine parang ‘yan na ang momentum mo so feeling ko mas malakas ako ngayon because I dance a lot, I work out sa gym, and kayang kaya pa na makipagsabayan sa mga anak ko,” tugon ni Regine sa The Purple Event kung saan siya ang special guest.

Bukod sa usapin ng healthy lifestyle, napa-throwback din si Regine sa kanyang best experience bilang isang Kapamilya.

Matatandaan na isa si Regine sa mga batch one ng original members ng Star Magic talents na ang tawag ay Star Circle.

“I’m so proud na naging part ako sa history ng ABS-CBN bilang member ng first ever star circle. Batch one ako, original. That was December way back of 1995, I was 16 years old and talagang it’s been 24 years for me. I’m so proud na ang dami kong natutunan with ABS-CBN,” aniya.

Dagdag pa niya, ang ABS-CBN ang naging dahilan ng pagbubukas ng maraming oportunidad sa kanyang showbiz career kabilang na ang pagiging isang ganap na TV host. 

“Sa pag ho-host ko, sa pag-artista, and as a dancer nahasa talaga ako sa trainings. I had workshops, they put me through Tagalog lessons. Dati bulol ako, ngayon mas less bulol na ako and I’m having a great time. It’s an honor for me na naging part ako and I can call myself an ABS-CBN Baby and alaga ako ni Mr. M (Johnny Manahan),” sabi pa niya.

At dahil sa mga natutunan sa ABS-CBN, isa na ngayon si Regine sa nagpapabahagi ng kanyang skills para sa present generation ng mga aspiring dancers.

“Yes actually I have my own workshops for kids and teens. And I tried to set a good example. Actually sa ABS-CBN ako natuto kung paano maging professional dancer and I just want to share that experience and knowledge sa mga bata,” pahayag pa niya.

Bukod sa kanyang showbiz commitments, bahagi si Regine ng International Dance Festival na “Evolt” kasama ni Gary Valenciano na gaganapin sa June 8 sa The Circuit, Makati.