Raymond Bagatsing, may balak bang pumasok sa pulitika?

Inamin ni Raymond Bagatsing na minsan niyang naisip na pumasok ng pulitika dahil na rin sa mga kapamilya niyang nasa pulitika.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

5/30/2019 12:10 PM
Raymond Bagatsing, may balak bang pumasok sa pulitika?


Bagama’t nagmula sa pamilya ng mga pulitiko, inamin ng Quezon's Game lead actor na si Raymond Bagatsing na wala siyang balak na pumasok ng pulitika sa ngayon. 

"I can't really say it's my ambition these days. Maraming nag-urge sa akin na [tumakbo] pero for me, I enjoy my work as an actor. I love the arts. I'd rather be an actor," pahayag ni Raymond sa interview ng PUSH sa show na Push Bets Live.

Ngunit, inamin din naman ng aktor na naisip niya na rin noon na pumasok sa pulitika pero dahil lang sa pangalan ng pamilya.

"Only because my family - the Bagatsing, they're pretty prominent especially during the Martial Law, Marcos time," ani Raymond.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Thank you for this, @peachy.exists !! *************************************** Posted @withrepost • @peachy.exists Did you know that Quezon's Game has won 9 awards of excellence from the Cinema Worldfest AUTUMN Awards in Canada for Lighting, Original Score, Produced Screenplay, Sound Design, Set Design, Costume Design, as well as acting nods for their leads Raymond Bagatsing and Rachel Alejandro, and supporting actor Billy Gallion? Matthew E. Rosen received an Award of Recognition for directing. An Award for Merit for a Drama Feature was also given to the film. It has also received Best Asian Film, Best Director, Best Cinematography, and Best Music Score awards of excellence from IndieFilm Festival in California. Mr. @raymondbagatsing was once again named Best Actor. It was also given an Award of Excellence Special Mention as a feature film. It doesn't end there. It bagged multiple awards from The 52nd Annual WorldFest-Houston International Film and Video Festival as well, including the Grand Award for being the best in its category and the REMI Special Jury Awards. That's more than enough reasons to watch this film and become a proud Filipino. Don't miss it! Showing in the Philippines on May 29th!

A post shared by Raymond Bagatsing (@raymondbagatsing) on

;

 

Ang lolo ni Raymond na si Ramon Bagatsing ang longest-running mayor sa Manila noong panahon ng Martial Law, bilang nagsilbi ng halos 16 years. Ayon din sa aktor, may dalawang pinsan siya na kasalukuyan ay kongresista sa Manila at councilor sa Muntinlipa.

"Just because my family are into politics. Just because they're all lawyers and public servants. So para bang yun na yung upbringing sa akin e," paliwanag pa ni Raymond. 

Panoorin ang interview dito:


Gumaganap bilang dating Pangulong Manuel L. Quezon si Raymond sa bagong pelikula na Quezon's Game. Kasama si Rachel Alejandro, ang pelikula ay mula sa direksyon ni Matthew Rosen. 

Showing na ngayon ang Quezon's Game sa mga sinehan.