• Home
  • Fresh Scoops
  • PANOORIN: Kadenang Ginto cast, sinorpresa ang 101-year-old fan

PANOORIN: Kadenang Ginto cast, sinorpresa ang 101-year-old fan

Dumayo sa San Fernando, Pampanga ang cast ng sikat na palabas na Kadenang Ginto upang sorpresahin ang isang 101-year-old nilang fan nitong nakaraang linggo.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

5/30/2019 11:54 AM
PANOORIN: Kadenang Ginto cast, sinorpresa ang 101-year-old fan


Dumayo sa San Fernando, Pampanga ang cast ng sikat na palabas na Kadenang Ginto upang sorpresahin ang isang 101-year-old nilang fan nitong nakaraang linggo.   

Ang maswerteng centenarian ay si Panfila Pingul, o mas kilala bilang “Mama Nene”, na matagal nang avid viewer ng ilang Kapamilya teleseryes, kabilang na ang long-running action series na FPJ’s Ang Probinsyano at ang nasabing afternoon drama.

Dahil madalas siyang nag-iisa – ang kanyang asawa ay may sakit na Alzheimer’s disease, samantalang apat sa kanyang mga anak naman ay nasa abroad – nakahiligan na ni Mama Nene ang tumutok sa kanyang mga paboritong palabas sa telebisyon, kung saan siya nakahanap ng makakasama sa pang araw-araw.

“Masakit pala ang naiiwan,” aniya. “[Pero] sa panonood ng ABS-CBN, nakahanap ako ng makakasama.”

Sa kasulukayan ay Kadenang Ginto ang bagong kinigigiliwan ni Mama Nene, kung kaya’t hindi siya makapaniwala nang bigla siyang sorpresahin ng cast ng nasabing palabas sa gitna ng kanyang interview.

Kabilang sa nasabing sorpresa ay sina Beauty Gonzalez, Dimples Romana, Francine Diaz, at Andrea Brillantes na siyang bumubuo ng main cast.

Matapos ay nakasama ni Mama Nene ang apat sa isang salo salo, kung saan nagbahagi siya ng ilang istorya tungkol sa kanyang pamilya.

“Ang gusto ko sa pamilya ko, kahit nagkakaroon ng tampuhan, kahit hindi nagkakaintindihan, kailangan magkakaroon din ng happy ending. Magmamahalan at magkaisa para maging maligaya ang isang pamilya,” aniya.

Panoorin ang bidyo rito:

Mapapanood ang Kadenang Ginto mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng noontime show na It’s Showtime.