JM De Guzman, may mensahe sa mga pusong bitter

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

5/30/2019 10:43 AM
JM De Guzman, may mensahe sa mga pusong bitter


Balik recording si JM De Guzman sa kanyang pag pirma ng kontrata sa Star Music. Walong mga awitin na malapit sa puso ni JM na tatalakay sa iba’t-ibang stages ng pagmamahal ang aabangan mula sa kanya.

Dito, naitanong sa singer-actor kung ano na nga ba talaga ang status ng kanyang puso sa tunay na buhay.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

JM de Guzman signs contract with Star Music. Congratulations @1migueldeguzman! #PUSHGanaps

A post shared by Push (@pushalerts) on

 

“Okay naman siya. Minamahal niya ang mga dapat mahalin. Pinagdadaanan niya ang mga dapat daanan para mas sumaya siya,” kuwento ni JM.

Pag-amin pa ng aktor, gusto niya muling magkaroon ng inspirasyon.

“Actually gusto ko na talaga magkaroon ulit ng relasyon para masaya na ulit di ba pero so far hindi yata nag-a-agree ang universe sa takbo ng utak ko eh. Siguro for now kailangan ko muna mag-focus sa blessings na ibinibigay,” sabi pa niya.

Nag-share din si JM ng mga natutunan sa kanyang nakaraang mga relasyon na nagpatibay sa kanya.

“Ako isang natutunan ko eh huwag mag hold ng grudges over them. Kasi kapag bitter ka parang ang pangit ng love parang hindi ka na magmamahal ulit ng totoo kasi lagi may bahid ng past,” pahayag pa ng aktor.

Bukod sa recording, nakatakdang harapin ni JM ang pag babalik teleserye at pelikula.