• Home
  • Fresh Scoops
  • Dawn Zulueta, nag-viral matapos magbahagi ng throwback photo

Dawn Zulueta, nag-viral matapos magbahagi ng throwback photo

Ginulat ni Dawn Zulueta ang kanyang fans at followers matapos niyang magbahagi ng isang throwback photo sa Instagram nitong umaga ng Huwebes, ika-30 ng Mayo.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

5/30/2019 1:37 PM
Dawn Zulueta, nag-viral matapos magbahagi ng throwback photo


Photo credit: @dawnzulueta on Instagram

Ginulat ni Dawn Zulueta ang kanyang fans at followers matapos niyang magbahagi ng isang throwback photo sa Instagram nitong umaga ng Huwebes, ika-30 ng Mayo.  

Dito ay makikita ang aktres na nakasuot ng puting bikini habang nagshu-shoot para sa isang proyekto. Ayon kay Dawn, kuha ang retrato noong 1991 sa Biri Island na matatagpuan sa Eastern Samar.

 

Kabilang na ang mga kapwa niyang artista na sina Maricel Laxa, Pokwang, at Maja Salvador na nag-react sa kanyang throwback pic.

Marami naman sa kanyang fans ang sumang-ayon na walang kupas ang kanyang alindog.

Sa ngayon ay naka-break si Dawn sa pag-gawa ng acting projects. Huli siyang napanood bilang guest star sa sikat na primetime series na FPJ’s Ang Probinsyano.