• Home
  • Fresh Scoops
  • Bea De Leon admits Thirdy Ravena courted her, ‘but not anymore’

Bea De Leon admits Thirdy Ravena courted her, ‘but not anymore’

Bea De Leon, inamin na binasted si Thirdy Ravena noon.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

5/30/2019 11:04 AM
Bea De Leon admits Thirdy Ravena courted her, ‘but not anymore’


Photo credit: @3rd_e on Instagram (L)

Sa Tonight with Boy Abunda, inamin ni UAAP Season 81 Women’s Volleyball Finals MVP Bea De Leon na nanligaw sa kanya si UAAP Basketball Player of the Year at ang kanyang long-time friend na si Thirdy Ravena. Ani Bea, “I think he did, but not anymore. Way back in High School.”

READ: Ateneo’s Bea De Leon at Thirdy Ravena, ano nga bang real status?

Nang tanungin kung binasted niya ang binata, ang sagot ni Bea ay, “I guess to some sort, yes. We didn’t get together. It didn’t happen.” 

Inamin din niya na sumubok uli manligaw si Thirdy sa kanya. “You’ll have to confirm with him. I don’t want to be assuming. But from my perspective, I think he tried again. Like first year siguro. I don’t remember. It’s been so long.”

Tinawagan naman ni host Boy Abunda si Thirdy bago ang interview kay Bea at isa sa mga binuking nito kay Bea ay ang pagiging lola nito. Hindi daw siya makapagpatugtog ng loud music kapag si Bea ang kasama niya sa kotse. Aminado naman dito si Bea. Paliwanag niya, “Thirdy, he’s a hype guy. In the car, he likes to blast the music. It’s so noisy. So yung pagka-lola ko nga lumalabas.”

Sa mga bashers naman na nagsasabing mayabang si Bea, sinabi ni Bea na bago ang UAAP Season 81 Finals ay, “We really went on a social media ban. We deleted the applications from our phones.”

Paliwanag ni Bea, hindi na siya nagbabasa ng comments at hindi rin siya nagpapa-apekto sa sasabihin ng bashers dahil ang importante ay kilala siya ng mga mahal niya sa buhay. “I don’t really read them anymore. Because I know naman na everyone will have something to say. And you can’t please everyone. It’s a fact. To me what matters na lang is the people in my circle- my teammates, my family, my friends. As long as they know who I really am, then I’m good naman na with that.”