Vice Ganda answers questions about lost love from netizens

Sa parehong araw ng pagbibigay ng love advice online ay na-ispatan ding magkasama sina Vice Ganda at ang rumored boyfriend nitong si Ion Perez sa ilang Instagram posts.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

5/3/2019 12:27 PM
Vice Ganda answers questions about lost love from netizens


Isa-isang inagot ng Phenomenal Box Office Star na si Vice Ganda ang sunud-sunod  na mga katanungan ng mga netizens tungkol sa pag-ibig sa twitter ngayong araw, May 3.

Nagsimula ito sa unang tweet ni Vice na, "Never be with people who don’t spark joy," hanggang sa isa-isa na niyang sinagot ang mga reaksyon at tanong ng mga netizens sa kanya. 

Matapos ang ilang pagsagot, sinabi ni Vice, "Teka bakit parang nagkaepisode na ng Madam Bertud dito sa twitter!!! Nilibang nyo ko nga bakulaw kayo. Super sagot baman ako! I do not know lang ha!" 

Samantala, habang sumasagot sa mga tanong mula sa netizens, ay na-ispatan din sina Vice at ang rumored boyfriend nitong si Kuya Escort Ion Perez ng It's Showtime na magkasama sa ilang larawan sa Instagram. 

 

 

 

 

“Ang mga naturang larawan ay kuha ni Anna Puno (@annapuno), Head ng Star Media Entertainment na producer ng kasalukuyang US Concert Tour ni Vice Ganda na "Vice Ganda: Ang Fantastic Concert ng Vaklang Twoooh!"

 

Sa ngayon, walang kompirmasyon sa magkabilang panig tungkol sa usap-usapang relasyon nina Vice at Ion. 

Patuloy na mapapanuod ang dalawa sa noontime show na It's Showtime.