Kandidata sa Binibining Pilipinas 2019, pasado sa Bar Exams

Isa ang Binibining Pilipinas candidate na si Patricia Magtanong sa mga nakapasa sa Bar Exams.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

5/3/2019 2:56 PM
Kandidata sa Binibining Pilipinas 2019, pasado sa Bar Exams


Photo credit: @patchmag on Instagram

Kasabay ng paglabas ng resulta ng 2018 Bar Exams nitong araw (May 3), bumuhos naman ang pagbati para sa isa sa mga kandidata ng Binibining Pilipinas 2019 na si Bea Patrica Magtanong.

Isa si Patricia  sa 1,800 sa mga nakapasa mula sa 8,115 na kumuha ng pagsusulit noong Nobyembre 2018.

READ: Kilalanin ang mga kandidata ng 2019 Binibining Pilipinas

Matatandaan na isa din si Patricia sa mga early favorites sa 2019 batch ng Binibining Pilipinas.

READ: Sino-sino ang early favorites sa Binibining Pilipinas 2019?

Sa kanyang pagsali sa Binibining Pilipinas, pangunahing isinusulong ni Magtanong ang kanyang adboksiya sa pagtulong sa mga kababaihang nakapiit sa bilangguan.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

#BbPilipinas2019 Bea Patricia Magtanong, Bataan #Beyondbeauty Check our facebook page for her web interview.

A post shared by Binibining Pilipinas (@bbpilipinasofficial) on

 

Sa ngayon, abala sa iba’t-ibang pageant activities ang 40 kandidata ng Binibining Pilipinas bago ang nalalapit na coronation night, sa June 9 sa Araneta Coliseum.