Julia Barretto, “nag-audition” sa Darna?

Julia Barretto jokes about auditioning for Darna.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

5/3/2019 4:23 PM
Julia Barretto, “nag-audition” sa Darna?


Game na game na sumagot ang Between Maybes stars na sina Gerald Anderson at Julia Barretto sa naganap na media launch kahapon, Mayo 2 at dito rin sinagot ni Julia ang mga tanong sa pagsali niya sa Darna auditions.

Biro ni Julia, inunahan na niya ang mga nakapila para mag-audition sa susunod na gaganap bilang Darna.

“Hindi nila ako sineryoso,” biro ng aktres.

“Sabi ko nga, 'Maghuhubad na po ba ako? Kasi na ready na po ako’ tapos umikot-ikot ako doon gumaganon ganon (taas ng kamay). Wala, tinawanan lang nila ako,” dagdag pa ni Julia.

 

Kamakailan lamang ay inihayag na sa publiko na bukas ang Star Cinema sa mga nangangarap maging susunod na Darna.

READ: Who will be the next Darna? Auditions for Darna are now open to the public