Jodi Sta. Maria: ‘We have to be kind to ourselves’

Jodi Sta. Maria, ipinaliwanag kung bakit kailangan natin patawarin ang mga taong nakapanakit sa atin.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

5/3/2019 10:25 AM
Jodi Sta. Maria: ‘We have to be kind to ourselves’


Isang mapangahas na tanong ang sinagot nina Sino Ang Maysala?: Mea Culpa stars Bela Padilla at Jodi Sta. Maria sa Tonight with Boy Abunda. Ang tanong sa dalawa ng isang netizen ay, “Nagkasala ka na ba ng dahil sa pag-ibig?”

Sagot ni Bela, “Parang wala pa naman, Tito Boy. Parang ‘pag dumating ako sa point na parang hindi na ako ‘to a, umaayaw na din ako. Hindi ko na itutuloy or ayoko na. Nato-turn off na ako.” 

READ: Dani Barretto to netizens insisting Bela Padilla to marry: “Mind your own business”

Kung sa konteksto naman daw ng pagpapatawad ay “firm believer” si Jodi sa “power of forgiveness.”  Ani Jodi, “Hindi natin nakakalimutan yung mga lesson na naituro sa atin ng isang sitwasyon. We need to forgive kasi we need to free ourselves from the emotional hook na meron sa atin yung taong nakapanakit sa atin.”

May instances din daw na pinapatawad natin ang mga taong hindi naman humingi ng tawad pero more than anything else para daw ito sa taong nagpapatawad. “We have to love ourselves. We have to be kind to ourselves, that’s why we release forgiveness. We release, and we leave, and we commit them to the Lord and siya na ang bahala sa kanya,” dagdag pa ni Jodi.”

READ: Jodi Sta Maria dreams of putting up a clinic for people with depression

Ang most important lesson in love naman ni Jodi ay, “Siguro dapat nagsisimula lagi sa sarili. Na mahal mo yung sarili mo. Whatever hurts that we have experienced in the past, we should be able to heal from it. Kasi if not we will always bleed to the people that did not cut us.”