• Home
  • Fresh Scoops
  • How did Ruffa Gutierrez and Annabelle Rama react to Lorin Gutierrez’s viral bikini photo?

How did Ruffa Gutierrez and Annabelle Rama react to Lorin Gutierrez’s viral bikini photo?

Supportive at proud daw ang ina na si Ruffa Gutierrez at lola na si Annabelle Rama dahil sa pagiging confident ni Lorin Bektas sa kanyang katawan.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

5/3/2019 12:36 PM
How did Ruffa Gutierrez and Annabelle Rama react to Lorin Gutierrez’s viral bikini photo?


Muling ipinaliwanag ni Lorin Bektas ang kanyang nag-viral na bikini photo sa Instagram na kung saan ay sinagot niya ang isang komento mula sa basher. Ayon sa kanya, hindi niya intensyon na awayin ang basher, kundi ay iparating sa kanya na iba ang kanyang opinyon sa opinyon nito. 

"That person seemed naman that they had a point and they shared an opinion, which they have every right to do, that's what makes the world so interesting. Lahat ng tao may different beliefs opinions. 

"So if they replied on my post, I have the right naman to give my opinion also. It wasn't meant to be na parang 'You're wrong, I'm right' kasi we can both be right," pahayag ni Lorin sa episode ng Magandang Buhay kahapon, May 2. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

vacay

A post shared by Lorin Gutierrez (@loringabriella) on

 

READ: Lorin Gutierrez stands up for herself after being told by basher to “cover up”

Dagdag ni Lorin, naging proud ang kanyang ina sa kanyang naging pagsagot sa naturang basher. "Parang she was proud of me kasi she knows naman na we get a lot of bashers and that's something talaga na we have to deal with.

"My mom had no problem with that photo. For us it was never really a big deal. And again, naiintindihan ko naman po kung sa ibang tao that it's a big deal, but for me it's not," diin ni Lorin.

Tulad ng ina, naging positibo rin daw ang reaksyon ng kanyang lola na si Annabelle Rama. Sa katunayan, suportado pa ito sa kanyang pagpo-post ng mga litratong nagpapakita ng confidence sa kanyang katawan.

"She (Annabelle) actually encourages me to post pictures like that. She's like, 'I'm so proud of your body ganyan,' and she always uplifts me and helps me to be more confident," kuwento ni Lorin.

READ: ‘Pag nagagalit, hindi siya beauty queen’: Lorin and Venice Gutierrez describe their mom Ruffa Gutierrez

READ: Lorin Gutierrez describes mom Ruffa as a ‘cool mom’