• Home
  • Fresh Scoops
  • Edward Barber, handa ba gumanap bilang bagong Pinoy superhero?

Edward Barber, handa ba gumanap bilang bagong Pinoy superhero?

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

5/3/2019 1:12 PM
Edward Barber, handa ba gumanap bilang bagong Pinoy superhero?


Napanuod na ang unang episode ng Hiwaga ng Kambat nitong Linggo at walang duda na ito ang pinakabagong paborito ng kabataan tuwing weekend.

Ito ang masasabing big break ni Edward Barber at Grae Fernandez na gumanap na may kakaibang powers na kanilang natutuklasan.

Sa panayam ng PUSH kay Edward, itinanong kung handa na ba siya na gumanap bilang isang superhero sa mga susunod na panahon.

“If I’m going to play a Pinoy superhero I’m not going to accept it until my Tagalog is perfect. Siyempre I came from another country and comic books and cartoons just like that. I want to give it respect in portraying the role,” sabi pa ni Edward.

At dahil lead role sila ng kapwa aktor na si Grae Fernandez, kuwento ni Edward nagkaroon muna sila ng bonding bago gawin ang proyekto at aminadong marami ng na diskubre nila sa isa’t isa.

“I think me and Grae are similar than I thought or might have thought. We have that drive to achieve our dreams. It’s there for our taking naman eh,” kuwento pa ni Edward.

Kasama ni Edward si Maymay Entrata pero iba ang project na ito kumpara sa mga kilig projects nila ni Maymay.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Kakayanin natin to🙏🏼🕊

A post shared by Edward Bar (@edward_barber) on

 

“Love takes a backseat in that aspect, pero nandoon pa rin po ang romance. As you guys have seen in the trailer, maraming action, maraming fight scenes. May harness, may fight scenes talaga,” pahayag pa ng aktor.

Mapapanuod tuwing Linggo ang Hiwaga Ng Kambat sa ABS-CBN.