• Home
  • Fresh Scoops
  • Bela Padilla, hindi nga ba bumati kay Kim Chiu noong birthday niya?

Bela Padilla, hindi nga ba bumati kay Kim Chiu noong birthday niya?

Bela Padilla, nag-react sa paratang kung bakit hindi niya binati si Kim Chiu noong birthday nito.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

5/3/2019 10:13 AM
Bela Padilla, hindi nga ba bumati kay Kim Chiu noong birthday niya?


Photo credit: @chinitaprincess on Instagram (R)

Sa Tonight with Boy Abunda, nag-react ang Sino Ang Maysala?: Mea Culpa stars Bela Padilla at Jodi Sta. Maria sa mga tanong tungkol sa mga taong malalapit sa puso nila.

READ: Jodi Sta. Maria at Bela Padilla, sinimulan na ang banggaan sa telebisyon

Nauna na ang issue kung bakit daw hindi ni Bela binati si Kim Chiu noong birthday nito. Alam ng lahat na malapit na magkaibigan si Bela at Kim. Natawa lang si Bela at sinabing, “Naku, yung mga tao sa social media ang daming alam. Hindi ba puwedeng tinext ko yung tao?”

READ: Kim Chiu does charity work for post-birthday celebration

Paliwanag ni Bela kung bakit nag-text na lang siya kay Kim at hindi niya ito binati sa social media, “Para kasing nawawala na yung pagka-personal sa akin ‘pag lahat nasa Instagram and Twitter.” 

Tinanong rin si Jodi sa regalo ni Baron Geisler na diumano’y “naka-preserve pa.” Dating magka-love team at magkasintahan sina Baron at Jodi at matagal din silang nagkasama sa mga proyekto tulad ng defunct youth-oriented series na Tabing Ilog.

READ: Jodi Sta. Maria open to possibility of reunion among ‘Tabing Ilog’ cast

Kuwento ni Jodi, mahilig daw mag-paint si Baron at merong regalong painting sa kanya si Baron na naitago niya. Umuwi daw kasi siya sa bahay kung saan siya lumaki.

Ani Jodi, “Nagkaroon ako ng parang homecoming sa place kung saan ako lumaki…Pumunta ako sa second floor at (sabi ko) ay nandidito pa rin pala yung artwork na binigay niya years ago pa.”