• Home
  • Fresh Scoops
  • Vin Abrenica on Sophie Albert: ‘I realized na I can’t live without her’

Vin Abrenica on Sophie Albert: ‘I realized na I can’t live without her’

Vin Abrenica, bumuhos ang luha matapos marinig ang birthday message mula sa gf na si Sophie Albert.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

5/29/2019 9:01 AM
Vin Abrenica on Sophie Albert: ‘I realized na I can’t live without her’


Photo credit: @itssophiealbert on Instagram (L)

Sa Tonight with Boy Abunda, tahasang inamin ni Vin Abrenica na in a relationship siya with Sophie Albert. “Yes, we are together,” ani Vin. “Exposed naman in all my social media, nandun ang girlfriend ko,” dagdag pa ni Vin.

Noon daw ay naghiwalay sila ni Sophie at nagkabalikan sila dahil sa “nanligaw” siya sa dalaga. Nang tanungin kung bakit sila naghiwalay noon, ang sagot ni Vin ay, “We didn’t know any better. Akala namin dati we’re having personal problems, including careers.”

May kinalaman din daw ito sa maling akala ni Vin na hindi siya “kakagatin” ng fans kung may girlfriend siya. “Yung mga nasasabi sa akin ng mga tao na if you’re in a relationship, hindi ka na daw kakagatin ng fans… Hindi ka na daw available. So ako, hindi ko alam na they’re going to love you for who you are,” ayon kay Vin.

Bukod dito, “I realized na I can’t live without her,” pag-amin ng actor.

Napag-uusapan na rin daw nila ni Sophie ang pagpapakasal. 

Umiyak naman si Vin matapos niyang marinig ang sweet birthday message mula kay Sophie na binasa ni host Boy Abunda. Nang tanungin kung bakit bumuhos ang luha niya, ang sweet na sagot ni Vin ay, “We’re at a point in our point in our lives na ramdam ko na mahal na mahal ko siya e. Na wala nang iba. Kung mawawala siya sa akin, tingin ko di na ako mag-aasawa. Tatanda ako mag-isa. Tingin ko I’ve changed a lot because of her.”

READ: Loisa Andalio to star opposite Vin Abrenica in new digital series