Toni Gonzaga susundan na ba si baby Seve?

Aminado si Toni Gonzaga na nasa kakulitan at curious stage na ngayon ang kanyang only son na si Seve.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

5/29/2019 11:08 AM
Toni Gonzaga susundan na ba si baby Seve?


Photo credit: @celestinegonzaga on Instagram (L)

All smiles ang Kapamilya TV host na si Toni Gonzaga sa naganap na “Pure Love” post Mother’s Day event ng Nature’s Spring kung saan siya ang brand ambassador.

Dahil Mother’s Love ang tema ng usapan, proud na ibinahagi ni Toni ang kanyang journey bilang isang Ina kay Seve, na turning three years-old na ngayong taon.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Celestine Gonzaga-Soriano (@celestinegonzaga) on

 

“Siguro nasa stage na ako ng discipline, andon na kami ngayon sa stage na ‘yun,” tugon ni Toni sa PUSH at ilang entertainment press.

“Yung first two years is like honeymoon stage for us, getting to know each other, the rhythm as mother and son. And now we are in the stage where we are teaching him a little bit about life, that life is not all about when you cry, you’ll get what you want,” patuloy na kuwento ni Toni.

Aminado ang aktres na nasa stage na din si Baby Seve ng sobrang kakulitan.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Seve.. why? 🤸🏽‍♂️

A post shared by Celestine Gonzaga-Soriano (@celestinegonzaga) on

 

“Oo andon na din kami sa sobrang kulit na, we call it terrific two, because it’s a terrific stage for us. He’s very curious about everything, he’s curious on a lot of things, his development for us is impressive kasi for a two-year-old, ang dami na niya lagi tinatanong,” sabi pa niya.

At dahil turning three na ngayong taon si Baby Seve, hindi din naiwasan na maitanong kung nasa plano na din ba nila ng asawang si Paul Soriano na masundan ang kanilang only son.

“I guess, ang perfect time siguro is when it’s God’s time. Kasi with Seve, we really planned na two years after kami mag-baby, pero after eight months binigay na siya sa amin, so it was not part of the plan, ‘yun nangyari agad. But so far wala pa naman plan,” pahayag pa niya.

Sa ngayon, kasalukuyan na nasa Japan si Toni kasama ang pamilya para sa isang bakasyon.