• Home
  • Fresh Scoops
  • Jessa Zaragoza, legal na inaksyunan ang online basher ni Jayda

Jessa Zaragoza, legal na inaksyunan ang online basher ni Jayda

"Ako, bilang nanay, ginawa ko lang yung nararapat na gawin," sabi ni Jessa matapos aksyunan ang natanggap na death threat ng anak na si Jayda sa social media.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

5/29/2019 8:10 PM
Jessa Zaragoza, legal na inaksyunan ang online basher ni Jayda


Photo credit: @jessazaragoza on IG

Sa interview ng press sa Jukebox Diva na si Jessa Zaragoza para sa darating niyang concert, sinabi ng singer na na-aksyunan na ang kamakailang death threat na natanggap ng anak niyang si Jayda mula sa isang netizen.

"Oo, inaksyunan namin yon - legal. Minor siya (netizen) e," sabi ni Jessa na piniling hindi na idetalye ang proseso. 

"May hangganan naman ang pagpapasensya e. Sumobra na. Hindi pwedeng joke joke lang yun ‘di ba? Kailangan maging responsable ka sa mga salitang lumalabas sa bibig mo," pagpapatuloy ni Jessa. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Happy Mother’s day sa lahat ng mga Nanay!!!😍💜💜💜 #happymothersday

A post shared by Jessa Zaragoza-Avanzado (@jessazaragoza) on

 

Dagdag ng singer, kahit na kilalang matapang ang anak, natakot rin si Jayda sa naturang netizen.

"Kasi public figure siya (Jayda) e, minsan hindi mo masabi - alam mo naman ang mga kabataan ngayon hindi mo minsan maeexpect kung ano ang makakaya nilang gawin e.” 

"Ako, bilang nanay, ginawa ko lang yung nararapat na gawin," ani Jessa. 

READ: Jessa Zaragoza calls out bashers of daughter Jayda

READ: Jayda shares how parents Dingdong Avanzado and Jessa Zaragoza offer emotional support amid online bashing

Samantala, nakatakdang mag-perform si Jessa kasama si Richard Poon sa Just Right: The Diva and The Crooner Live in Concert sa June 8. Magiging guest performers sa concert sina Jayda at Jeremy Glinoga.

"Nakakatuwa na makita yung anak mo na nagpeperform, tapos ginagawa niya yung passion niya in music. Ibang klaseng joy," ani Jessa.

Pag-amin din ni Jessa sa press, hindi siya noon payag sa pagpasok ni Jayda sa showbiz. 

"Kung ako nga papipiliin, ayoko sana mag-showbiz siya. Like ako, 11 years old pa lang nag-artista na ako, nagstart ako sa acting, so masasabi ko na kabisado ko na yung industry. Kasi marami na rin naman na akong pinagdaanan," paliwanag niya. 

Kasalukuyang nasa Singapore si Jayda para sa One Music X 2019 na gaganapin sa Linggo, June 2.