• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Jerome Ponce, inilihim ang pagbili ng three-storey house

EXCLUSIVE: Jerome Ponce, inilihim ang pagbili ng three-storey house

Mas kailangan daw ni Jerome Ponce magtrabaho ngayon para mabayaran ang kanyang bagong bahay.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

5/29/2019 1:35 PM
EXCLUSIVE: Jerome Ponce, inilihim ang pagbili ng three-storey house


Last year (2018) ay nakabili na ng bahay ang bida ng pelikulang Finding You at Star Magic artist na si Jerome Ponce. Isang three-storey house na may four bedrooms ang kanyang na-acquire sa isang subdivision sa Antipolo.

Ipinakita sa amin ni Jerome ang pictures ng bahay na nabili niya pati na yung interior nito. Maganda ang bahay at malawak ang space ng loob nito. Si Jerome din mismo ang nakikialam para sa interior design ng bahay.

READ: EXCLUSIVE: Is Jerome Ponce ready to become a family man?

“Gusto ko lang sarilinin. Basta masayang-masaya ako na meron na akong sariling bahay,” matipid niyang pahayag.

Kasamang nakatira ni Jerome sa kanyang three-storey house ang kanyang mommy at mga kapatid. Sa Sta. Mesa naman nakatira ang kanyang tatay.

Aminado ang binata na mas kailangan niya ng maraming trabaho ngayong meron siyang hinuhulugang bahay.

“Hindi ko naman ito nabili ng cash. May balanse pa rin ako sa bangko. Mahal kasi masyado pag buong bibilhin ng cash,” kuwento niya.

“Matipid naman ako. Hindi naman ako basta-basta naglalabas ng pera kapag hindi talaga kailangan. At siyempre, ngayon mas dapat lalo pang maging wise spender,” rason pa ng award-winning actor.

Ayaw namang i-reveal sa amin ni Jerome kung magkano ang halaga ng bahay na ipinundar niya. Pero may idea kami na close to P10 million ito.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Place like home

A post shared by Jerome Ponce (@mrjeromeponce) on

 

“Basta mahal. Hahaha!” paiwas niyang sagot. “Kaya mas kailangan ko rin ngayon ng trabaho, maraming trabaho,” dagdag niyang natatawa.

Bida si Jerome sa Finding You na showing ngayong May 29. Kasama niya sa pelikula sina Barbie Imperial, Jon Lucas, at Jane Oineza mula sa direksyon ni Easy Ferrer.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

#FindingYou Directed by @easyferrer bukas na guys! Will wait for your messages, comments and tweets!

A post shared by Jerome Ponce (@mrjeromeponce) on

 

The movie is produced by Regal Entertainment owned by Mother Lily Monteverde and managed by Roselle Monteverde.