Raymond Bagatsing: ‘I almost became a monk’

Bukod sa kanyang Tantric Meditation lifestyle, ni-reveal ni Raymond Bagatsing ang pagiging certified Yoga instructor niya.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

5/28/2019 11:01 AM
Raymond Bagatsing: ‘I almost became a monk’


Photo credit: @raymondbagatsing on Instagram

Ibinahagi ni Quezon's Game lead actor na si Raymond Bagatsing ang kakaibang style ng meditation na natutunan niya sa Los Angeles, 20 years nang nakakalipas.

"I got on a tantric spiritual path about 20 years ago. I was initiated by an Indian monk," pahayag ni Raymond sa episode ng PUSH Bets Live kahapon, May 27.

Dagdag ni Raymond, "I almost became a monk when I was in LA. That's something you don't know."

Bukod sa pagpa-practice ng Tantric meditation, isang certified Yoga instructor din ang aktor.

"I'm also a certified yoga instructor (in the US). I don't get to teach but I practice. And give advice to people who ask me for advice," ani Raymond na sinabing may dalawa hanggang apat na oras siyang nagme-meditate sa isang araw.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Just Love and Gratefulness :3 #anandamargpreschoolnagcarlanlaguna #yogameditationandeducation

A post shared by Raymond Bagatsing (@raymondbagatsing) on

 

READ: Raymond Bagatsing, na-‘fascinate’ sa pagkatao ni Manuel Quezon

Samantala, sa parehong episode ng PUSH Bets, kinuwento rin ni Raymond na dati niyang binigyan ng one-on-one acting workshop ang kapatid na si RK noong 10 years old pa lamang ito.

Nang tinanong kung ano sa tingin niya ang bagay na proyekto para sa kanilang magkapatid, "I think edgy na medyo drama, sibling rivalry maybe. A little bit of action and a lot of drama," sagot ng aktor.

Panuorin ang episode dito:

Showing na sa May 29 ang award-winning historical film ni Raymond na Quezon's Game. Makakasama niya rito si Rachel Alejandro at ilang foreign cast members. Mula sa direksyon ni Matthew Rosen.