• Home
  • Fresh Scoops
  • PANOORIN: Nonie, Shamaine Buencamino ni-reenact ang KathNiel scene sa ‘She’s Dating the Gangster’

PANOORIN: Nonie, Shamaine Buencamino ni-reenact ang KathNiel scene sa ‘She’s Dating the Gangster’

Matapos mag-viral ang kanilang bersyon ng mga karakter na sina Popoy at Basha sa “One More Chance”, ni-reenact naman ng mag-asawa ang nakakakilig na scene ni Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa pelikulang “She’s Dating the Gangster."

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

5/28/2019 3:19 PM
PANOORIN: Nonie, Shamaine Buencamino ni-reenact ang KathNiel scene sa ‘She’s Dating the Gangster’


Matapos mag-viral ang kanilang bersyon ng mga karakter na sina Popoy at Basha sa “One More Chance”, ni-reenact naman ng mag-asawang Nonie at Shamaine Buencamino ang nakakakilig na scene ni Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa kanilang sikat na pelikulang “She’s Dating the Gangster”. 

Ito ay mapapanood sa Facebook page ng Spring Films bilang promotional campaign sa bagong pelikula nilang “Sunshine Family”, kung saan gaganap ang dalawa bilang mag-asawa na masasangkot sa isang krimen sa South Korea. Sesentro ang istorya sa kanilang pagtangka na pagtakpan ang nasabing aksidente sa awtoridad kasama ang dalawang anak na gaganapan naman ni Sue Ramirez at Marco Masa.

Nakatakdang ipalabas ang pelikula itong darating na ika-lima ng Hunyo.

Panoorin ang trailer dito: