Neri Naig, may mensahe para sa mga nakunang ina

Sa unang pagkakataon ay ibinahagi ni Neri Naig ang kanyang naging karanasan nang siya ay nakunan noong Hunyo ng 2015, ilang buwan matapos niyang madiskubre na siya ay buntis sa kanilang unang anak ng “Parokya Ni Edgar” frontman na si Chito Miranda.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

5/28/2019 3:14 PM
Neri Naig, may mensahe para sa mga nakunang ina


Photo credit: @mrsnerimiranda on Instagram

Sa unang pagkakataon ay ibinahagi ni Neri Naig ang kanyang naging karanasan nang siya ay nakunan noong Hunyo ng 2015, ilang buwan matapos niyang madiskubre na siya ay buntis sa kanilang unang anak ng “Parokya Ni Edgar” frontman na si Chito Miranda.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account noong Lunes, nag-upload ang aktres ng sonogram ng kanilang una sanang baby na kuha noong Mayo ng 2015.

“May 27, 2015. Nakapag ultra sound na kami ni Chito nun para sa una naming baby. June 3, 2015, wala nang heartbeat ang baby namin.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

May 27, 2015. Nakapag ultra sound na kami ni Chito nun para sa una naming baby. June 3, 2015, wala nang heartbeat ang baby namin. Devastated. Galit na galit ako sa mundo nun even kay God nung panahon na yun. Bakit?! Yun ang palagi kong tanong sa Kanya. Bakit ipagkakait na bigyan ako ng chance na maging isang ina? Bakit kinuha agad ang baby ko?! Bakit! Sa lahat ng nakakarelate dito. Alam ko ang pakiramdam ng nawalan. Sobrang sakit. Pero malalagpasan mo rin yan. Darating ang tamang panahon na talagang ipagkakaloob ni God sayo. Ngayon, may napaka kulit at healthy baby Miggy na kami. Sobrang perfect baby boy para sa aming mag asawa. Sobrang love na love namin at mahal na mahal din kaming mag asawa. Ok lang na i-release mo ang galit mo. Pero wag kang susuko. Wag kang mawalan ng faith sa sarili mo, at lalo na kay God. Alam kong parati mo 'tong naririnig, totoo na lahat ng nangyayare sa atin ay may rason at totoo rin na darating ang para sa atin. Patience is a virtue ika nga. Sa lahat ng nakaranas o nakakaranas ngayon ng pagkaulila sa hinihintay hintay nating baby, isang mahigpit na yakap. Hindi ko man maiaalis agad ang sakit na nararamadaman nyo ngayon, gusto ko lang sabihin sa inyo na naiintindihan ko ang pain na nararamdaman nyo. Naranasan ko yan. Sobrang sakit. Pero bumangon ako at nanalig kay God. God bless sa ating lahat! Isang mahigpit na yakap!

A post shared by Neri Miranda (@mrsnerimiranda) on

 

“Devastated. Galit na galit ako sa mundo nun even kay God nung panahon na yun. Bakit?! Yun ang palagi kong tanong sa Kanya. Bakit ipagkakait na bigyan ako ng chance na maging isang ina? Bakit kinuha agad ang baby ko?! Bakit?,” aniya sa caption.

Ngunit ayon kay Neri, pinili niyang magpatuloy at maniwala na “darating ang tamang panahon” na sila’y pagkakalooban ng Diyos ng panibagong anak. Ito rin ang gusto niyang matutunan ng kanyang followers na kasalukuyang dumaraan sa parehong sitwasyon.

“Sa lahat ng nakakarelate dito. Alam ko ang pakiramdam ng nawalan. Sobrang sakit. Pero malalagpasan mo rin yan. Darating ang tamang panahon na talagang ipagkakaloob ni God sayo. Ngayon, may napaka kulit at healthy baby Miggy na kami. Sobrang perfect baby boy para sa aming mag asawa. Sobrang love na love namin at mahal na mahal din kaming mag asawa,” aniya.

 

“Ok lang na i-release mo ang galit mo,” patuloy niya. “Pero wag kang susuko. Wag kang mawalan ng faith sa sarili mo, at lalo na kay God. Alam kong parati mo 'tong naririnig, totoo na lahat ng nangyayare sa atin ay may rason at totoo rin na darating ang para sa atin. Patience is a virtue ika nga.

“Sa lahat ng nakaranas o nakakaranas ngayon ng pagkaulila sa hinihintay hintay nating baby, isang mahigpit na yakap. Hindi ko man maiaalis agad ang sakit na nararamadaman nyo ngayon, gusto ko lang sabihin sa inyo na naiintindihan ko ang pain na nararamdaman nyo. Naranasan ko yan. Sobrang sakit. Pero bumangon ako at nanalig kay God.

“God bless sa ating lahat! Isang mahigpit na yakap!”

Si Miggy, o Miguel Alfonso Miranda, ay ipinanganak noong Nobyembre ng 2016, halos dalawang taon matapos na magpakasal ni Neri at Chito sa isang garden wedding ceremony sa Tagaytay.