• Home
  • Fresh Scoops
  • Shaina Magdayao on her first iWant project: ‘I do not regret saying yes’

Shaina Magdayao on her first iWant project: ‘I do not regret saying yes’

Mula sa teleseryeng 'Asintado' noong nakaraang taon, isang magaang role naman ang aabangan kay Shaina Magdayao sa kanyang bagong digital series sa iWant na 'Past, Present, Perfect.'

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

5/27/2019 8:28 AM
Shaina Magdayao on her first iWant project: ‘I do not regret saying yes’


Photo credit: @shaina_magdayao on Instagram

Bumilib ang Kapamilya Gold Queen na si Shaina Magdayao sa direktor na si Dwein Baltazar para sa unang proyekto nila sa iWant na Past, Present, Perfect

"Dahil nga ang galing sumulat ng direktor ko, si Direk Dwein, parang tuloy ang sarap ma-in love dahil sa mga lines niya," pahayag ni Shaina sa exclusive interview ng iWant Team. 

Gaganap na Shantal si Shaina, ang bidang karakter sa nasabing digital series. Makakasama niya dito sina Loisa Andalio at Vin Abrenica, na parehong first time din niyang makakatrabaho.

READ: Loisa Andalio to play as young Shaina Magdayao in new digital series

Pag-amin pa ng aktres, nanibago siya sa una bilang ang mga teleseryeng The Better Half at Asintado ang huling naging proyekto niya, na may parehong mabibigat na roles na ginampanan.

"Although parang nanibago ako kasi, I came from The Better Half, and then I did Asintado after three weeks. So two years straight 'yun na mahirap yung roles ko. And then bigla na lang akong binigyan ng light [role] na Shantal. 

"Internally lang naman yung struggle ko na parang feeling ko hindi ako umaarte. Kasi sanay ako nang nagagalit, umiiyak, sumisigaw, puro [ganung] hugot lagi," kwento ng aktres.

 

Ayon kay Shaina, bukod sa materyal, kinuha niya rin ang proyekto dahil kilala na niya ang mga tao sa likod nito. 

"I do not regret saying yes, I'm very happy that I said yes. 

"It's really nice working with people you trust and people that you know na hindi ka pababayaan. I guess at this point, gano'n na yung hinahanap ko e, kung ano yung relationship ko sa mga tao behind it. And why I'm doing it," dagdag ni Shaina. 

Mapapanood na ang Past, Present, Perfect sa iWant, simula May 30. 

Panoorin ang trailer dito: