Sarah Geronimo, nagbahagi ng cryptic post sa Instagram

Ito ay matapos mabura ang mga previous posts sa kanyang official Instagram page.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

5/27/2019 1:56 PM
Sarah Geronimo, nagbahagi ng cryptic post sa Instagram


Photo credit: @justsarahgph/ @isgfan on Instagram

Ikinagulat ng marami ang biglaang pagbura ng mga posts sa official Instagram page ni Sarah Geronimo nitong Linggo, May 26.

Ngunit kasunod nito ay nag-upload naman ang singer ng isang cryptic post sa nasabing account na naglalaman ng retrato ng isang sunset kung saan ay may nakasulat na, “5.30”.

“5.30 #GNaSiSarah,” ani niya sa isang maikling caption.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

5.30 #GNaSiSarah

A post shared by Sarah Geronimo (@justsarahgph) on

 

Hindi man ito binigyan ng sapat na konteksto ni Sarah, marami sa kanyang fans at followers ang naghihinala na may kinalaman ang nasabing post sa kanyang longtime boyfriend na si Matteo Guidicelli. Mayroon din namang mga nagsasabi na baka simula raw ito ng bagong era sa kanyang music career.

Huling naglabas ang Popstar Royalty ng album noong nakaraang taon na pinamagatang “This 15 Me”, bilang selebrasyon ng ika-15 taon niya sa industriya.

Basahin ang ilang comments galing sa netizens dito: