• Home
  • Fresh Scoops
  • PBB Otso Batch 4 Kiara Takahashi, ibinahagi kung paano niya nakilala si Jericho Rosales noong bata pa

PBB Otso Batch 4 Kiara Takahashi, ibinahagi kung paano niya nakilala si Jericho Rosales noong bata pa

PBB Otso Batch 4 Kiara Takahashi, kumakain daw sa restaurant ng dad niya sa La Union si Jericho Rosales.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

5/27/2019 2:08 PM
PBB Otso Batch 4 Kiara Takahashi, ibinahagi kung paano niya nakilala si Jericho Rosales noong bata pa


Sa Tonight with Boy Abunda, ipinakilala ang tubong La Union singer-surfer at Pinoy Big Brother Otso batch four housemate na si Kiara Takahashi.

Inamin niya na kilala niya ang aktor na si Jericho Rosales noon pa man dahil, “He’s a good friend of my dad. Matagal na po silang magkakilala ng dad ko. My dad he’s been living in La Union for 20 years na po.”

May restaurant sa La Union ang dad ni Kiara at kumakain daw doon si Echo kasama ang asawa na si Kim Jones. “They visit and they eat there with Ms. Kim and Kuya Jericho sobrang nice niya.”

Bata pa lang daw ay nakilala na ni Kiara ang aktor at napabilib sa kabaitan ni Echo. “Nakilala ko siya nung bata pa ako… Last year, when I started living there na in La Union, nakikita ko na siya uli, minsan dumadalaw siya, sobrang bait niya po,” kwento ni Kiara.

Ang sexiest men in the Philippines para kay Kiara ay sina Jericho at Piolo Pascual.