• Home
  • Fresh Scoops
  • Kuwentong Disney, malaking bahagi sa buhay Morissette at Darren

Kuwentong Disney, malaking bahagi sa buhay Morissette at Darren

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

5/27/2019 8:14 AM
Kuwentong Disney, malaking bahagi sa buhay Morissette at Darren


Flawless na version ng “A Whole New World” ang binigyang buhay ng dalawa sa Kapamilya singers na sina Darren Espanto at Morissette Amon.

Kaya naman, applauded ito ng kanilang fans lalo na nang kantahin nila ito ng live sa isang mall show para sa promotion ng pelikulang Aladdin sa Pilipinas.

 

Kuwento ni Morissette at Darren, hindi pa din sila maka-move on sa pagkakapili sa kanila ng Disney para muling bigyang buhay ang theme song ng iconic Disney movie.

“I’m just so privileged na I was chosen. Kasi siyempre ang dami pong sobrang talented na singers dito sa bansa and we are just very blessed na kami po yung napili to be able to give a rendition of 'A Whole New World' so I am just really grateful and thankful,” sabi pa ni Morissette.

“Oh yeah of course. This is such a big thing for both of us and it’s a once in a lifetime opportunity so I’d love to do another Disney classic po if given a chance,” dagdag ni Darren.

 

Aminado din ang dalawang singer na naging malaking bahagi ng kanilang childhood ang Disney movies.

“Personally, nakaka-relate ako kay Jasmine talaga kasi I am also very adventurous like her. I’d like to see more of the world. Happy ako kasi I’m given the chance to travel through my career. Pero I like other Disney princesses din, si Arielle,” sabi ni Morissette.

Si Darren naman, ang mga awitin na tatak Disney ang naging bahagi ng kanyang kabataan.

“For me naman po, not a Disney character pero favorite na movies na Disney talaga, Aladdin and The Lion King” kuwento ni Darren.

Sa kanila namang international careers, humble pa din si Darren at Morissette sa kanilang mga naging sagot.

“I am very happy po na we are being given all these amazing opportunities po that we can show our talent internationally,“ sagot ni Darren.

“The same also for me, just being able to share our gifts and talents on different platforms all over the world is such a privilege. We just want to continue to spread OPM also with the rest of the world,” pahayag ni Morissette.