• Home
  • Fresh Scoops
  • Hashtags member Wilbert Ross, to release original songs under Star Music

Hashtags member Wilbert Ross, to release original songs under Star Music

Inspired mula sa kanyang nakaraang relasyon ang unang single na ilalabas ni Wilbert Ross.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

5/27/2019 8:19 AM
Hashtags member Wilbert Ross, to release original songs under Star Music


Photo credit: @hashtag_wilbert on Instagram

Masaya ang Hashtags member na si Wilbert Ross dahil sa wakas ay mailalabas niya na ang talento sa pagkanta, ngayong opisyal na siyang pumirma ng kontrata sa Star Music PH noong nakaraang linggo.

"Sobrang saya, kasi from two years nasa Hashtags ako, I keep on dancing and may music kasi ako na nasa sarili ko lang, hindi ko siya nalalabas. And finally now, may outlet na ako na para ilabas lahat ng mga songs na naisulat ko," pahayag ni Wilbert sa press. 

Kuwento ni Wilbert, three years old pa lamang siya ay natuto na siyang kumanta, habang high school naman nang natuto siyang magsulat ng mga kanta at mag-perform kasama ang banda sa Davao. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Wilbert Ross (@hashtag_wilbert) on

 

Ngayong opisyal na siya sa mga singer at songwriter ng Star Music, nilinaw ni Wilbert na hindi niya iiwan ang mga kagrupo niya sa It's Showtime.

Nakatakdang maglabas ng una niyang single si Wilbert ngayong taon, kung saan ay hango daw sa kanyang huling naka-relasyon. 

"May mga linya [sa kanta] na halos parehas sa sinabi ko talaga. It's so personal," ani Wilbert. 

Bukod sa love songs, may mga naka line up na kanta rin ang Hashtags member up beat at sexy-themed tracks.