• Home
  • Fresh Scoops
  • Former sexy actress Rina Reyes is demanding ‘excellence’ from daughter Sophie of 2019 Star Magic Circle

Former sexy actress Rina Reyes is demanding ‘excellence’ from daughter Sophie of 2019 Star Magic Circle

Sinabi ng dating aktres na si Rina Reyes na okay lang sa kanyang tawaging stage mother dahil sa pagsama sa kanyang anak na si Sophie Reyes.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

5/27/2019 8:35 AM
Former sexy actress Rina Reyes is demanding ‘excellence’ from daughter Sophie of 2019 Star Magic Circle


Dating sikat na sexy actress/singer si Rina Reyes noong dekada '90. Siya ay anak ni Baby O’Brien  at grand daughter ni Paraluman, isa sa legendary stars ng Sampaguita Studio during the 40s.

Namayagpag ang pangalan noon ni Rina  sa mga pelikula ng Seiko Films.  Huli siyang napanood sa TV series ng ABS-CBN na Recuerdo de Amor bago siya nag-concentrate sa pagiging mommy at sa kanyang mga businesses.

Present si Rina sa launching ng 2019 Star Magic Circle para suportahan ang 20-year-old daughter na si Sophie Reyes na kabilang sa 16 aspiring stars ng ABS-CBN. 

Wala daw siyang pakialam kahit pa ang tingin sa kanya ng ilan ay stage mother.

“Stage mother or whatever, it’s alright. I’m rooting for her, she wanted me here today, gusto niya nandito ako today to support her. Alam mo naman sa baguhan, 'di  ba? My daughter was not exposed to the press, sa ganitong hardcore showbiz,” reaksyon niya.

May kondisyon daw bago niya pinayagan si Sophie na pasukin ang showbiz.

“Basta ang kondisyon, finish school and you have to put up your own business. Noong nakita kong grounded yung kanyang values, okay na.

“Because I was a single mom and she lost her dad at eight, and I had to make sure that yung values niya, confidence niya… importante yon, eh. Kasi baka ang i-rason sa akin,  ‘kaya ako hindi matino dahil I grew up without a dad.’” deklara pa niya.

Bata pa lang daw ay kinakitaan na niya ng talento ang anak sa pagkanta at pag-arte.

“Innate sa kanya ang kumanta. Dadalhin ko siya sa taping ng Recuerdo at kaysa maglaro siya with the other kids, susundan niya kami kung saan, papanoorin niya at during dinner break gagayahin niya yung bida, kontrabida. Ginagaya niya si Isabel Rivas sa Recuerdo, so tuwang-tuwa kami,” natatawang kuwento ni Rina.

Eh, ano ba ang expectations niya sa pagpasok ng anak sa showbiz industry?

“Excellence. I really demand that,” sagot ni Rina.

“I want her to have the talent. I want her to be the best version of herself. Whatever images we carried, my grandmother, my mother, whatever the press branded us, basta excellence, that is what I’m demanding from her,” hirit pa niya.

Ayon pa sa former Seiko Films star, alam ng anak niya na minsan ay naging sexy star siya at hind raw niya ito ikinahihiya.

“The thing about me and showbusiness and everything people wrote, I humor it. Basta I know kung sino ako, ano talaga yung ginawa ko and I couldn’t care less what everybody thought,” mataray niyang pahayag.

May advice din daw siyang binigay kay  Sophie ngayong nag-aartista na ito.

“Ang sabi ko lang sa kanya, ‘magpakatotoo ka.’ And the most important thing is work on your craft and work on your talent,” pagtatapos ni Rina sa PUSH.