• Home
  • Fresh Scoops
  • Ateneo’s Bea De Leon at Thirdy Ravena, ano nga bang real status?

Ateneo’s Bea De Leon at Thirdy Ravena, ano nga bang real status?

Ateneo’s Bea De Leon, niligawan nga ba ni Thirdy Ravena?

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

5/27/2019 12:09 PM
Ateneo’s Bea De Leon at Thirdy Ravena, ano nga bang real status?


Sa Gandang Gabi Vice, iginiit ni Ateneo Lady Eagles captain Bea De Leon na magkaibigan lang sila ni UAAP (University Athletic Association of the Philippines) Collegiate Player of the Year Thirdy Ravena. Ani Bea, “We’re really good friends. Batchmates talaga kami, so we started together since high school.”

Sa tanong naman ng Unkabogable Star at GGV host na si Vice Ganda kung niligawan siya nito, ayon kay Bea ay, “Ewan ko, tanungin mo siya.”

Gusto rin daw ni Bea si Thirdy “as a friend, yes.” 

Tinanong din ni Vice Ganda kung bakit tumalon siya nang niyakap niya si Thirdy matapos ang UAAP season 81 volleyball championship kung saan nanalo ang Ateneo Lady Eagles. Paliwanag ni Bea, “Hinanap ko yung mom ko. I know she was sitting behind the bench, tapos nakita ko rin si Thirdy eh di niyakap ko siya.” Aminado rin si Bea na “masaya” siya nang makita niya si Thirdy.

Sasagutin niya kaya ang binata kung liligawan siya nito? Hindi makasagot si Bea. Sa puntong ito, tinawag na ang surprise guest na si Thirdy at muli, iginiit ng Ateneo star player na “good friends” lang sila ni Bea.

WATCH: Vice Ganda, inalam ang status nina Bea at Thirdy