• Home
  • Fresh Scoops
  • Yassi Pressman, tumulong sa renovation ng eskwelahan sa Navotas

Yassi Pressman, tumulong sa renovation ng eskwelahan sa Navotas

Tuloy tuloy pa rin ang selebrasyon ng ika-24 na kaarawan ni Yassi Pressman matapos niyang tumulong sa renovation ng isang eskwelahan sa Navotas noong Sabado, May 25.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

5/26/2019 3:49 PM
Yassi Pressman, tumulong sa renovation ng eskwelahan sa Navotas


Photo credit: @yassipressman on Instagram

Tuloy tuloy pa rin ang selebrasyon ng ika-24 na kaarawan ni Yassi Pressman matapos niyang tumulong sa renovation ng isang eskwelahan sa Navotas noong Sabado, May 25. 

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, nag-post ang aktres ng photos at videos ng kanyang project Brigada Eskwela kasama ang kapatid na si Issa Pressman at ilang kaibigan sa tulog ng Save the Children Philippines. 

Still celebrating my birthday month with charities every weekend with my friends,” aniya. “Helping out by cleaning repairing and donating to supply needs for the students of this school! Say Yass to Happiness everyday! Especially in MAY, we give back and give thanks to life and existence!”

 

 

 


Sa isa pang caption ay pinasalamatan din ni Yassi ang mga guro at volunteers na nakilahok sa nasabing aktibidad.

Aniya, “Nakakapagod din palang yumuko‘t magliha ng mga upuan bago barnisan, at pagkatapos naman ay magpintura ng mga pader para mas maaliwalas sa mata ang kapaligiran ng mga bata, nakakapagod po, totoo, pero masarap sa pakiramdam na alam mong pagpasok nila sa Lunes, nakangiti sila, dahil muka nang bago ulit ang pinapasukan nila. Sana po maging inspirasyon ito sa lahat ng mga studyente!

“Salamat din po sa lahat ng mga guro at volunteers na nagtulong-tulong po para sa araw na ito!”

Noong nakaraang linggo ay pinangunahan ng aktres ang dalawang charity events kasama ang mga batang biktima ng sunog sa Quezon City noong Abril, pati na ang mga batang may malubhang sakit sa tulong ng non-profit organization na Make-A-Wish Foundation Philippines.

Read More: LOOK: Yassi Pressman spends her post-birthday celebration with two charity foundations