• Home
  • Fresh Scoops
  • VIRAL: Judy Ann Santos, hands-on sa kanyang newly opened restaurant

VIRAL: Judy Ann Santos, hands-on sa kanyang newly opened restaurant

'The queen is serving' sabi ng netizen na pinost ang isang clip kung saan ay nakitang naglilinis ng mesa si Judy Ann Santos sa kanyang bagong bukas na restaurant.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

5/26/2019 1:05 PM
VIRAL: Judy Ann Santos, hands-on sa kanyang newly opened restaurant


Habang pinipilahan ang soft opening ng Angrydobo, ang bagong restaurant ng mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, nag-viral din sa Twitter ang isang post ng netizen, kung saan ay nakuhanang nag-seserve at naglilinis sa resto ang Kapamilya actress. 

Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo open their new restaurant Angrydobo

Sa Twitter post ng username na @kelanocyte, ipinakita niya ang isang clip ni Judy Ann na nagpupunas ng mesa. "We decided to spend our Happy T here at Angrydobo and Judy Ann is here and the queen is serving!!!!" ayon sa caption.

 

 

Umabot na ng 248K views ang naturang clip, samantalang may 20,205 likes naman ang post.

Ayon pa sa netizen, nakaabot sila sa kabila ng mahabang pila sa araw na iyon. "Favorite part of the night was Judy Ann screaming, "HUY NAKAABOT KAYO!!!" kasi we told her na ang haba ng pila baka di kami makakain. Eto yung tumakbo siya sa Army Navy para mag-igip ng tubig. Yes she did that," kuwento niya. 

Matatagpuan sa Taft Avenue, Manila ang new business venture ni Juday.