• Home
  • Fresh Scoops
  • JM de Guzman, magre-release ng kanta kasama si Moira dela Torre

JM de Guzman, magre-release ng kanta kasama si Moira dela Torre

Ito ay ibinahagi ng aktor noong Huwebes nang siya ay pumirma ng bagong contract sa Star Music, ang recording label na paga-ari ng kanyang home network na ABS-CBN.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

5/26/2019 3:59 PM
JM de Guzman, magre-release ng kanta kasama si Moira dela Torre


Photo credit: @1migueldeguzman/@moirarachelle on Instagram

Nakatakdang mag-release ng bagong kanta si JM de Guzman kasama ang kapwa singer na si Moira dela Torre.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

may kumagat na langgam sa pwet mo kunware walang nangyare😅

A post shared by JM De Guzman (@1migueldeguzman) on

Ito ay ibinahagi ng aktor noong Huwebes nang siya ay pumirma ng bagong contract sa Star Music, ang recording label na paga-ari ng kanyang home network na ABS-CBN.

Read:JM de Guzman, pinipiling maging single muna

Sa kanyang interview sa Bandila, sinabi ni JM na tungkol sa dating pag-ibig ang mensahe ng kanyang kanta na isinulat mismo ni Moira. 


“Tungkol sa ex. Para raw 'tong sagot sa isa niyang kanta, ‘yung Tagpuan. Lalaki naman ‘yung sumagot,” aniya. 

Sa kanyang bagong album na nakatakdang i-launch ngayong taon, tatlo sa walong kanta ang isinulat ni Moira kasama ang former “Rivermaya” frontman na si Rico Blanco at Himig Handog 2018 winner na si Raphael Kyle.

Ito ang unang pagkakataon na nagsama si JM at Moira sa iisang proyekto.

Bukod sa nasabing album, excited din si JM sa kanyang bagong teleserye kasama ang beteranong aktres na si Sylvia Sanchez.