Ina Alegre, may alok na proyekto kay Ice Seguerra

Nagbabalik showbiz ang dating aktres na si Ina Alegre bilang isang producer ng pelikula.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

5/26/2019 11:50 AM
Ina Alegre, may alok na proyekto kay Ice Seguerra


Matamis natagumpay ngayon ang tinatamasa ng former actress at TV personality na si Ina Alegre o mas kilala bilang si Jennifer Mindanao Cruz na isa na ngayong ganap na Mayor ng Pola, Oriental Mindoro.

Kuwento ni Ina, hindi niya inakala na maaabot niya ang panibagong yugto ng karera ngayon bilang isang public servant.

 

 

“Hindi e, never crossed my mind na maging politician ako, siguro calling. Akala ko dati, pang artista lang ‘yung sinasabing calling pero noong andon na ako, ah ito pala ‘yung sinasabi nila na calling, kasi ramdam mo na kailangan ka ng bayan na pagsisilbihan mo,” aniya sa panayam ng PUSH.

At kahit aktibo na bilang public servant, hindi pa din nakakalimot si Ina sa mundo ng showbiz na kanyang unang minahal noon.

Aniya, gusto niyang maging instrumento ngayon ang showbiz para maipakilala ang kanyang bayan sa Oriental Mindoro.

“Oo naman syempre, plano ko ngayon na mag-produce ng movie at least ma-showcase ang Pola sa Pilipinas na may magandang mga beaches din na ipagmamalaki,” sabi pa niya.

At given a chance din, isang LGBT concept movie din ang nasa isip ni Ina sa kanyang muling pagpo-produce ng pelikula.

“Actually si Aiza (Ice) Seguerra ang gusto ko, kasi taga Mindoro ako tapos sasakay ka ng barge para maka rating ka sa amin, umiikot lang ang istorya doon kung paano nagtitik-tik, kung paano naghihirap, kung paano mabuhay ang isang nag-ba-barko at kung paano nanga-ngarap ang mga taga Mindoro. Buhay ng kababayan ko,” aniya pa.

Kung direktor naman ang pag-uusapan, mayroon na din daw mga nasa-isip ang actress-producer.

“Meron na ako mga directors in mind, pero ang story galing talaga sa akin, gusto ko kasi maka-relate ang mga tao sa bayan ko, dahil taga doon naman ako,” pahayag pa niya.

Kung magtutuloy-tuloy, target maipalabas ang pelikula sa pagtatapos ng 2019.