Gary Valenciano, binigyang halaga ang pagiging Kapamilya

Nais din patunayan ni Gary Valenciano ang tunay na diwa ng isang Kapamilya.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

5/26/2019 11:37 AM
Gary Valenciano, binigyang halaga ang pagiging Kapamilya


Photo credit: @garyvalenciano on Instagram

Sa naganap na media conference ng Evolt International Dance Festival sa Pilipinas, hindi naiwasan na ipagmalaki ni Gary Valenciano ang kanyang pagiging bahagi ng ABS-CBN na nagdidiwang ng 65th year anniversary ngayong 2019.

 

 

“What a journey it has been. To onspire many is a feat, but to inspire countless is a victory. Thank you for making me part of the family,” aniya sa post na kanyang binasa muli sa press.

“I never actually think that I will be able to reach so many people, not only in the Philippines but everywhere in the world,” kuwento ni Gary.

Labis din ang naging pasasalamat ng singer sa ABS-CBN na ipinagkatiwala sa kanya ng network ang theme song nito sa TFC (The Filipino Channel) na “Galing ng Pilipino” para sa mga Pinoy audiences sa iba’t-ibang panig ng mundo.

“I’m so thankful they can watch anytime anywhere, as well as their families at the same time the stories, the music that we (ABS-CBN) offer. I’m also thankful because of ABS-CBN I will be able to do (Teleserye) theme songs that really really penetrated the souls of who listen to these theme-songs,” sabi pa niya.

Dito, ipinakita din ni Gary ang supporta niya sa ABS-CBN na kanyang naging tahanan sa loob ng mahabang panahon.

Kasunod ito ng mga naging pahayag ni Jimmy Bondoc kamakailan sa social media laban sa ABS-CBN.

Sa ngayon, abala si Gary sa pag promote ng Evolt International Dance Fest na gaganapin sa Circuit, Makati City.