• Home
  • Fresh Scoops
  • Yamyam at Fumiya, malaki ang pasasalamat sa ‘Home Sweetie Home’ cast

Yamyam at Fumiya, malaki ang pasasalamat sa ‘Home Sweetie Home’ cast

Patok na tandem ngayon sa telebisyon ang FumiYam at sasabak na sila sa unang proyekto nila bilang bagong cast ng sitcom na ‘Home Sweetie Home.’

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

5/25/2019 3:44 PM
Yamyam at Fumiya, malaki ang pasasalamat sa ‘Home Sweetie Home’ cast


Paboritong tabdem ngayon ang Pinoy Big Brother housemates na sina Fumiya Sankai ay Yamyam Gucong, na kabilang na ngayon sa Kapamilya sitcom na Home Sweetie Home: Extra Sweet.

Aminado si Yamyam at Fumiya, na mas kilala bilang FumiYam, na ito ang kanilang first time na pagsabak sa isang TV show.

Ayon kay Fumiya, madali siyang naka-adjust dahil sinuportahan siya ng kanyang co-stars sa palabas.

“From Kuya to Oya (Vhong and Rio Locsin's characters), at first I’m so nervous pero everyone is sobrang kind that’s why I’m relaxing. Pero still adjusting kasi this is first time acting kaya nervous pero sobrang mabait this people,” kwento ng aspiring comedian.

Si Yamyam naman ibinahagi na on-call sila kung sakaling ipatawag muli sa Pinoy Big Brother house dahil on going pa ang PBB season na kanilang kinabibilangan.

“Babalik pa naman kami, kasi hindi pa tapos yung season, yes po,” sabi ni Yamyam.

Napapanood na tuwing Sabado si Yamyam at Fumiya sa mas pinatamis na Home Sweetie Home Extra Sweet tuwing Sabado sa ABS-CBN.