Tirso Cruz, takot kay Angel Locsin?

Markado ang papel ni Tirso Cruz bilang si Tiago na labis na kinaiinisan ngayon ng mga followers ni Angel Locsin.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

5/25/2019 10:54 AM
Tirso Cruz, takot kay Angel Locsin?


Photo credit: @tirsocruziii on Instagram

Sa painit na painit na mga tagpo sa Kapamilya primetime series na The General’s Daughter, labis na ipinagpasalamat ng isa sa mga cast member nito na si Tirso Cruz III ang tila epektibo niyang pagganap bilang si Santiago Guerrero na kontrabida sa buhay ni Rhian Bonifacio na ginagampanan ni Angel Locsin.

Kuwento ng veteran actor, ramdam niya minsan ang epekto ng kanyang masamang karakter sa tuwing siya ay nasa labas.

“Madalas, maraming nagagalit na followers ni Angel, pero hindi naman. Minsan nakakatuwa sa mall, bigla-bigla may hahampas sa shoulder mo, sasabihin, ‘Napaka-salbahe mo.’ Tapos bigla sasabihin, ‘Pakuha nga ako picture.’ Sabi ko, ‘O bakit papakuha ka picture?’ ‘Hindi alam ko naman sa show lang yun.’ So basically, it really warms my heart na nakaka-apekto ako sa kanila,” masayang kuwento ni Tirso sa PUSH.

At dahil madalas na nakakasama si Angel sa karamihan ng kanilang mga eksena, inilarawan din ni Tirso kung paano niya nakikita ang aktres sa bawat eksena na kanilang ginagawa.

“Si Angel, nakakatakot,” tugon ni Tirso.

 

 

“I mean she evolves into something e kapag papasok na siya sa character, kasi usually naman pagdating sa set ako, I go out of my way pupunta ako sa tent niya, minsan I greet her, minsan naabutan ko yan having lunch or dinner with other staff… Ano siya, she’s so lovable, she’s so sweet, she looks after everybody,” patuloy pa niya.

Kung mabangis ang pagkatao ng karakter ni Angel, malayong malayo naman daw ito sa tunay na personalidad ng aktres na mapag-alala sa kanilang lahat sa set.

“Pero kapag trabaho na, talagang nag iiba siya, nag-iiba din ‘yung character niya right before your eyes nag transform siya into Rhian, then after that biglang pag turn si Angel naman,” pahayag pa niya.