• Home
  • Fresh Scoops
  • Ronnie Liang at Sarah Geronimo magsasama sa isang music collaboration

Ronnie Liang at Sarah Geronimo magsasama sa isang music collaboration

Sa kabila ng kanyang busy schedule bilang isang aspiring pilot, walang plano na talikuran ni Ronnie ang kanyang pagiging isang singer.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

5/25/2019 4:01 PM
Ronnie Liang at Sarah Geronimo magsasama sa isang music collaboration


All smiles ang singer performer na si Ronnie Liang sa kanyang naging pag pirma ng kanyang bagong endorsement sa Aviation Marketing Solutions.

Bilang ambassador, malapit sa puso ni Ronnie ang aviation services dahil sa kanyang bagong tinatahak na karera ngayon bilang isang piloto.

READ: Ronnie Liang, tinupad ang pangarap maging piloto

Dito, nagbigay update ang singer sa kanyang bagong propesyon, na isang pangarap lang niya noon.

“Ngayon, ang pinapalipad ko pa lang, ‘yung two seater aircraft pa lang, so darating din ‘yung panahon na palaki ng palaki ang papaliparin ko, iba’t ibang training po kasi kada stage,” kuwento niya sa panayam ng PUSH.

Sa kanyang nararating ngayon, isa sa pinaka proud sa kanyang achievements ay ang kanyang mga magulang.

“Very proud, na in a way ‘yung tatay ko na nagpi-piloto ako ngayon. Nakita niya na lang ang balita, hindi ko kasi sinasabi, kasi ipinangako ko sa sarili ko na hindi ko sasabihin hanggang di’ ako nakakapasa and then doon nalang nila malaman,” ani Ronnie.

“Ti-next ako ng tatay ko, sinabi niya na ‘Ronnie, congratualions, I’m very proud of you! Nagpi-piloto ka pala daw,’ pero doon lang niya nalaman sa news, kahit before pa na nag-audition ako (Pinoy Dream Academy) hindi ko sinabi para kung sakaling hindi ako matanggap, ako lang makakaalam,” aniya.

 

Bukod sa pag-abot sa kanyang mga pangarap, hindi pa din tinatalikuran ni Ronnie ang kanyang pagiging isang singer. Matatandaan na kamakailan lang, bahagi si Ronnie ng naging concert series ni Sarah Geronimo kasama sina Sam Concepcion at Mark Bautista.

“Tuloy-tuloy pa din po ako, nag-shoot pa ng pelikula under Viva Films, then concert, tapos recently nag-concert kami ni Sarah Geronimo sa Cavite and sa Baguio,” kuwento niya.


Labis din ang pasasalamat ng singer-performer kay Sarah, na isa mga tulay para mapasama siya sa tuwing may concert ito.

“Isa sa mga laging kasama, andoon din si Sam (Concepcion) and Mark (Bautista) kaya nagpapasalamat ako kay Sarah (Geronimo) sa pag guest niya sa akin sa mga concert,” aniya.

Proud na kuwento pa ni Ronnie ang isang music collaboration kung saan makakasama niya si Sarah Geronimo. “Soon po, maglalabas ako ng collaboration with Sarah for online release. And on November 8 naman, sa Music Museum naman, that’s my solo concert so guest artist ko si Sarah, kaya nagpapasalamat ako sa kanya kasi pumayag po siya na mag-guest,” pahayag pa ng singer.