• Home
  • Fresh Scoops
  • Dante Rivero at Laurice Guillen, gagawaran ng Lifetime Achievement Awards ng PMPC

Dante Rivero at Laurice Guillen, gagawaran ng Lifetime Achievement Awards ng PMPC

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

5/25/2019 10:32 AM
Dante Rivero at Laurice Guillen, gagawaran ng Lifetime Achievement Awards ng PMPC


Photo credit to the owner

Bukod sa trophies na ipinamimigay ng Philippine Movie Press Club (PMPC) every year sa Star Awards for Movies para sa iba’t ibang kategorya ay inaabangan din kung sino ang napili ng grupo para gawaran ng lifetime achievement honors.

This year (2019) ay igagawad ang Nora Aunor Ulirang Artista Lifetime Achievement Award kay veteran actor Dante Rivero.

Ang pinagbasehan nito ay ang kanyang outstanding body of work, remarkable achievements in Philippine movie industry bilang award-winning actor, unquestionable credibility as a seasoned artist, and integrity.

Kahit 72 years old na ay aktibo pa rin si Dante sa paglabas hindi lamang sa pelikula kung hindi pati sa telebisyon. Last year ay nagbida pa siya sa pelikulang Kung Paano Hinihintay Ang Dapithapon kung saan siya nagwagi ng kanyang first international best actor award.

Ngayon ay napapanood din si Dante sa morning soap opera ng ABS-CBN na Nang Ngumiti Ang Langit.

Previous honorees ng Nora Aunor Ulirang Artista Lifetime Achievement Award ay sina  Dolphy, Eddie Garcia, Joseph Estrada, Ramon Revilla, Gloria Romero, Boots Anson-Roa, Caridad Sanchez, Perla Bautista, Susan Roces, Armando Goyena, Alicia Vergel, Armida Siguion-Reyna, Gil de Leon, Charito Solis, Chichay, Leopoldo Salcedo, Mona Lisa, Rosal Rosal, Anita Linda, German Moreno, Rudy Fernandez, Gina Pareño, Christopher de Leon, Lito Lapid, Vilma Santos, Rustica Carpio, Amalia Fuentes, Pen Medina at Gina Alajar na ginawaran last year.

Years ago, Superstar Nora Aunor was the original co-founder of the said award, together with the PMPC, kaya ipinangalan ito sa multi-awarded actress, also as tribute to her legacy as institution and icon of Philippine Cinema.

Taun-taon ay si Nora din ang nag-aabot ng trophy sa recipient, with the current and past presidents ng PMPC.

Ang isa pang lifetime honoree ng PMPC ay si Director Laurice Guillen. Siya naman ang pinagbotohan ng grupo na parangalan bilang Ulirang Alagad ng Pelikula sa Likod ng Kamera Lifetime Achievement Award.

Ibinibigay ito sa outstanding and iconic people behind the camera (directors, producers, screenwriters, cinematographers, etc).

Pareho lamang ang pamantayan ng pagpili kay Direk Laurice, but the group also honors her bilang isa sa mga pioneer ng Actors Workshop, ang pagiging President ng Cinemalaya, a pioneer independent film festival na winner ng prestihiyosong 24th Nikkei Asia Prizes na gaganapin ngayong buwan sa Japan.