• Home
  • Fresh Scoops
  • Aiko Melendez, pinalayas nga ba ng boyfriend sa bahay nito sa Subic?

Aiko Melendez, pinalayas nga ba ng boyfriend sa bahay nito sa Subic?

Inamin ni Aiko Melendez na may pinagdadaanan sila ng boyfriend niya ngayon.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

5/25/2019 10:23 AM
Aiko Melendez, pinalayas nga ba ng boyfriend sa bahay nito sa Subic?


Photo credit: @aikomelendez on Instagram

Sinagot ni Aiko Melendez ang isyung kaya hindi na siya umuuwi sa Subic ngayon ay dahil pinalayas siya sa bahay ng boyfriend at Zambales vice governer-elect na si Jay Khonghun.

“No truth to the rumors, that Jay Khonghun sent my things over and pinalayas po ako,” paglilinaw agad niya.

“Nakakatawa yung pinalayas. Una, our usapan was 45 days lang di ba. Di naman kami live in po. Tumulong ako sa kampanya pero uuwi din ako sa bahay ko after kasi kasama ko mga anak ko dun. I just want to make it clear po na pinakuha ko po mga gamit ko because most of the clothes, that I left in their Subic home were the ones na kasya sa akin. Actually na-realize ko maluwag na din.

“Being the prudent I am, ayaw ko bumili bago, kasi nga ung weight loss ko every week nagbabago. Pinakiusapan ko siya baka puwede padala niya mga gamit ko and he did through his staff. You guys might be wondering why am I travelling alone and speculations have been going around na wala na po kami,” patuloy niyang paliwanag.

Hindi naman itinanggi ni Aiko na nagkakaroon talaga sila ng small fights ng boyfriend.

“Aamin ko po, Jay and I are just like ordinary couples, who goes thru arguments and little fights. Mostly we fight about him being careless and insensitive with my emotions, probably because he is busy and now ako naman ang magiging busy,” pag-amin niya.

Selos din daw ang madalas nilang pag-awayan.

“We fight about Jealousy well mostly sa part n’ya po. Hahaha! But minsan I get jealous lalo na pag me suspicious text from a girl that he would always honestly tell me. Our golden rule was never to make pakialam each other’s phone.

“Kumbaga, privacy namin yun kaya pansin niyo phone ni VG me takip. I never actually questioned him and doubted him kasi lagi asa isip ko di naman niya magagawa yan, pagkatapos ng lahat lahat ng sakripisyo ko?

“Mainly because I am very secure of where I stand, and also sa pagkakaalam ko din wala naman daw ako dapat ikaselos. Ewan ko nalang after this post kung meron ba dapat. Hahaha! And I am also secure that Jay sees me on a different level now, because kahit nga kayo nagulat sa ginawa ko during elections,” dagdag pa niya.

Daig pa nga raw niya kung minsan ang mga bading kung magmahal.

“Sabi ng isang bakla ko na friend, ‘Madam daig mo ang pa isang tunay na bakla kung magmahal!’ Ganun ako sa lahat, when I love, I give my all,” sabi ulit niya.

Sa last part ng post ni Aiko ay tuluyan na niyang inamin na may pinagdadanan sila ngayon ni VG Jay.

 “Ako I’m being honest, Jay and I are going through a phase now. Because I am a celebrity and politician may tsismis at tsismis talaga. So gusto ko sa akin galing para di kulang, di sobra but I do hope also for now I won’t get into details.

“And sana since nagshare naman ako kahit paano ibalato nyo sa akin na wag na idetalye. My trip now is to follow my kids whom I’m missing so much,” lahad pa niya.