• Home
  • Fresh Scoops
  • Zsa Zsa Padilla, may payo sa mga nais kantahin ang ‘Hiram’ sa singing search

Zsa Zsa Padilla, may payo sa mga nais kantahin ang ‘Hiram’ sa singing search

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

5/24/2019 1:04 PM
Zsa Zsa Padilla, may payo sa mga nais kantahin ang ‘Hiram’ sa singing search


Photo credit: @zsazsapadilla on Instagram

Aminado ang Divine Diva na si Zsazsa Padilla na maraming netizen ang nakakapuna sa kanyang mga kumento sa mga aspiring singers sa Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime.

 

 

Bilang isa si mga regular ngayong hurado ng singing search, kuwento ni Zsazsa na kailangan suriin mabuti kung karapat dapat ba ang isang contestant.

“Hindi natin maalis yun kasi may mga pinupusuan silang mga contestants eh di ba? Pero syempre kami naka in ear monitor pa kami naririnig talaga namin yun and technically because of our experience we would know kung malinis yung performance kung madumi,” kuwento pa nga divine Diva.

Dagdag pa ng singer actress, malaki na ang kaibahan ng mga awitin noon sa nga awitin ngayon. 

Para sa kanya hindi din niya malilimutan ang mga pagkakataon sa TNT na gustong sumubok na gawing audition piece ang kanyang hit song na “Hiram” na hindi nakakapasa sa panlasa ng nga hurado.

“I think mayroon kumanta ng ‘Hiram’ if im not mistaken na-gong. Mahirap kasi ang tono noon eh (nag humm ng Hiram). You know how the older songs were made medyo inano (kinulot) yung tono,” sabi pa niya.

At bilang isang mang-aawit, nagbigay tip din si Zsa Zsa sa mga future contestants na sasabak sa entablado ng TNT na maging unique sa kanilang performance.

“Gusto namin talaga lumabas yung tunay na boses ‘di ba? Tapos gusto namin kahit bugbog na yung kanta at madalas gamitin sa contest nasu surprise kami kapag yung artist mayroon sariling take sa kanta,” pahayag pa ni Zsa Zsa.

Bukod sa Tawag ng Tanghalan, abala si Zsa Zsa sa US tour ng Diva to Diva concert nila nina Kuh Ledesma, Nanette Inventor at Mitch Valdez.