• Home
  • Fresh Scoops
  • “I’m here to stay”: Kisses Delavin says she’s not quitting showbiz

“I’m here to stay”: Kisses Delavin says she’s not quitting showbiz

Ipinaliwanag ni Kisses kung bakit pinili niyang magpatuloy ang naumpisahang karera sa show business.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

5/24/2019 7:46 PM
“I’m here to stay”: Kisses Delavin says she’s not quitting showbiz


Photo Credit: kissesdelavin on IG

Bagama't aminado na pumasok sa kanyang isip noon ang pagbibitiw sa show business, nilinaw ng Kapamilya actress at singer na si Kisses Delavin na hindi niya iiwan ngayon ang mga nananatiling taga-suporta niya.

"I'm here to stay, for the people who want me to stay," pahayag ni Kisses sa episode ng Magandang Buhay kahapon, May 23.

"As long as there's only one person who believes in you. Kapitan mo 'yun kasi as long as may isang tao na gusto kang manatili, ibig sabihin si God ang nagsasabi sayo na mag-keep ka, laban ka, push for your dreams," dagdag ng dalaga.

Matapos ang sold-out na birthday concert noong nakaraang buwan, tuloy-tuloy ang mga nakaabang na proyekto para kay Kisses. Isa sa mga pinaghahandaan niya ngayon ay ang concert tour.

"Pinag-iisipan pa po [kung kailan] kasi first time ko lang talaga mag concert tour kasi nung first concert ko po hindi ako naka-tour kasi may teleserye," ani Kisses.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

1st selfie with 1st award :') #50thboxofficeawards #guillermomendozaawardsnight

A post shared by K I S S E S (@kissesdelavin) on

 

Bukod sa concert ay nakatanggap ng parangal si Kisses mula sa Guillermo Mendoza Box Office Award noong March 24 bilang Most Promising Female Star for Movies. Kasabay nito ang pagtanggap ng kaniyang dating ka-love team na si Donny Pangilinan bilang Most Promising Male Star for Movies.

Sa parehong episode rin ng morning talk show naging bukas si Kisses sa mga pinagdaanan niya sa showbiz. Ibinahagi ng aktres sa mga momshie hosts ang mga natutunan matapos makaranas ng pang-babash online mula sa dating mga kaibigan at tagahanga

READ: Kisses Delavin goes back to school

"I just realized na yung mga tao talaga minsan, nagbabago. And hindi na natin mako-control 'yon. All we have to do is yung kung sino tayo -- ito ako. As long as wala akong ginagawang masama sa ibang tao," paliwanag niya.

Una nang ipinahayag ni Kisses ang sentimiento sa naturang isyu sa kanyang Twitter post noong May 2 kung saan ay ikinuwento niya ang isang advice mula sa kanyang 'greatest advisor' matapos niyang maramdamang 'napag-iwanan.'

READ: Kisses Delavin shares an open letter about feeling left out