• Home
  • Fresh Scoops
  • Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, bakit hindi pa nagsasama sa isang proyekto?

Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, bakit hindi pa nagsasama sa isang proyekto?

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

5/24/2019 12:58 PM
Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, bakit hindi pa nagsasama sa isang proyekto?


Photo credit: @matteog on Instagram

Hindi pa din tinitigilan ang singer-actor na si Matteo Guidicelli sa tanong kung kailan nga ba sila magsasama sa isang proyekto ng longtime girlfriend na si Sarah Geronimo.

Dahil nasa isang management team si Sarah at Matteo, isa ngayon sa mga inaabangan ang pagsasama nilang dalawa sa pelikula man o sa recording.

 

Ayon kay Matteo, iba muna ang focus nila ngayon.

“Rght now we are focusing on our own personal careers firs... Sarah wants to do her thing, I want to do my thing for now,” paliwanag ni Matteo.

At dahil usapang solo career, itinuloy muna ni Matteo ang kanyang pagiging isang performer at ang revival ng “Sundo” ang kanyang first single.

Kuwento niya, isa din sa pangarap niya ang bumuo ng isang all original album na possible din mangyari soon.

“I hope to do an original song maybe an all original album hopefully hopefully (don’t -]you write?) I do but shyly (laughs). I don’t show it yet,” sabi pa ni Matteo.

Sa ngayon, isang pelikula ang nakatakdang simulan ni Matteo na mapapanuod bago magtapos ang 2019.