Rachel Alejandro, hiwalay na nga ba sa asawa?

Rachel Alejandro, nilinaw ang balita na hiwalay na sila ng kanyang asawa.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

5/24/2019 1:19 PM
Rachel Alejandro, hiwalay na nga ba sa asawa?


Sa Tonight with Boy Abunda, nagbigay ng update sina Quezon’s Game stars Rachel Alejandro at Raymond Bagatsing tungkol sa kani-kanilang buhay pag-ibig. 

READ: Raymond Bagatsing, na-‘fascinate’ sa pagkatao ni Manuel Quezon

Inamin ni Rachel na magkahiwalay sila ng kanyang asawa. Ani Rachel, “Hiwalay (kami) physically right now. He moved to New York. He’s now based in New York. He just found a job there actually. He works for the United Nations in New York.”

Dagdag pa ni Rachel kung papaano sila nagkakasama ng asawa niyang editor. “I’ve been back and forth, back and forth. Nakakahilo na nga sometimes. May mga days na gumigising ako, hindi ko na nga alam kung nasaan ako e.” 

Rebelasyon pa ni Rachel, “Kaya much of our relationship really has been kind of like a long-distance thing.” 

Aminado rin si Rachel na nakakapagod ang physical situation nila ng kanyang asawa. “Pero nakakapagod na nga rin. It’s just that you know, may mga magaganda pa ring opportunities na dumadating for me,” sabi ni Rachel. 

Paano naman kaya nila napapanatili na loving ang kanilang relationship? Ani Rachel, “Kailangan lang ng maraming pasensya.”

Hindi naman nagkwento ng marami si Raymond pero aminado siya na, “I’m dating.