• Home
  • Fresh Scoops
  • Elisse Joson opens up about her previous conflict with her mother

Elisse Joson opens up about her previous conflict with her mother

Ibinahagi ni Elisse Joson ang natutunan matapos ang nakaraang hindi pagkakaintidihan nila ng kanyang ina.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

5/24/2019 11:33 AM
Elisse Joson opens up about her previous conflict with her mother


Photo credit: @elissejosonn on Instagram

Halos maging emosyonal ang Kapamilya actress na si Elisse Joson nang ibahagi niya ang hindi pagkakaintidihan nila noon ng kanyang ina, sa episode ng Magandang Buhay kahapon, May 23.

Ayon kay Elisse, bukod sa pagsubok sa kanyang buhay pag-ibig, isa sa mga pinagdaanan niya kamakailan ay ang malamig na relasyon nila ng ina na ayon sa kanya ay umabot nang halos isang buwan.

"May period of time na hindi kami naging okay, na hindi kami laging nagkikita, hindi kami nag-uusap... Tsaka may time din na kahit umuwi ako sa bahay hindi kami nag-uusap," kuwento ni Elisse.

Ayon pa sa aktres, nagka-ayos lang ang relasyon nila noong unang beses na umuwi siya at napaiyak na lang sa ina. "That time po, walang words talaga, parang umiyak na lang at nagyakapan. After a while, nung okay na, doon ko nasabi yung apology ko sa kanya.

"Doon ko naramdaman na kahit ano talagang gawin mo. Kahit masaktan mo yung parents mo, uuwi at uuwi ka sa kanila at iwe-welcome ka nila nang buong buo," dagdag ng aktres.

 

Lalo pang naging emosyonal ang aktres nang ikuwento niya ang huling bilin ng kanyang namayapang lola sa kanya—ang alagaan ang ina.

"Yung time na nasa hospital bed siya (lola), yun yung last words niya, 'Alagaan mo ang mommy mo.'"

Solong anak at tanging ang nanay lang ang kasama ni Elisse sa bahay nila. Sa ngayon, masaya ang aktres sa pagbabalik ng magandang relasyon nila ng ina.

READ: Netizens raise questions after Elisse Joson’s cryptic message

Samantala, sa parehong episode din ng morning talk show ay ibinahagi ni Elisse ang bagong bukas niyang resto-bar sa Mandaluyong. Bukod dito, isang blessing din na itinuturing ng aktres ang aabangang teleserye na pagbibidahan niya, ang Sandugo.