Darren Espanto, magpapalit ng image?

Madami ang nakapansin sa mga pagbabagong pisikal sa actor-singer ngayong nag-celebrate na siya ng kanyang ika-18 na kaarawan.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

5/24/2019 2:32 PM
Darren Espanto, magpapalit ng image?


Photo credit: @darrenespanto on Instagram

Extra special para sa Kapamilya singer na si Darren Eapanto ang kanyang pag-celebrate sa kanyang 18th birthday.

Kasunod ito nang pag papakilala kay Darren, kasama si Morissette Amon, bilang singers ng theme song ng live-action movie ng Disney na “Aladdin” dito sa Pilipinas.

 

“Oh yeah of course. This is such a big thing for both of us (Morissette) and it’s a once in a lifetime opportunity so I’d love to do another Disney classic po if given a chance,” sabi pa ni Darren sa panayam ng press.

“I am very happy po na we are being given all these amazing opportunities, that we can show our talent internationally now in other countries,” patuloy pa niya,

Dito, nagbigay update din si Darren sa kanyang naging career sa China nang lumahok siya bilang featured artist sa “Singer 2019.”

READ: Darren Espanto is set to appear on Singer 2019

“I came back from China last week po. I went there to do photo shoots and also sing again for the network which holds Singer, which is UNTV,” kuwento pa ni Darren.

At kahit na busy sa kanyang career, plano din na isabay ni Darren pagse-celebrate ng kanyang birthday sa Singapore kasama ang kanyang pamilya.

“I am celebrating my birthday in Singapore kasi may show po kami doon on the 26th,” aniya.

Dito, naitanong din kay Darren kung posible ba na magpalit siya ng image ngayong 18 years old na siya.

Kasunod ito ng mga mature post niya sa kanyang social media accounts.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

When I met you in the summer. Shorts from #SurplusPH! @surplus_ph

A post shared by Darren Espanto (@darrenespanto) on

 

 

“Hindi naman po sa pagbabago ng image, pero it’s also nice na sabayan yung growth mo, yung edad mo para you look like your age. And also yung sound sa music as well,” paliwanag pa niya.