• Home
  • Fresh Scoops
  • Ara Mina, inaming naka-pending ang Barbie Imperial-JM de Guzman movie

Ara Mina, inaming naka-pending ang Barbie Imperial-JM de Guzman movie

Marami pa din daw na fans ang kumukulit kay Ara Mina na ituloy ang project.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

5/24/2019 3:12 PM
Ara Mina, inaming naka-pending ang Barbie Imperial-JM de Guzman movie


Photo credit: @therealaramina on Instagram (C)

Hindi pinalad na manalong mayor ng Quezon City ang tatay ni Ara Mina na si Chuck Mathay nang tumakbo ito sa May 2019 midterm elections.

“He didn’t make it pero okay naman siya. Alam n’yo naman ang dad ko, lagi lang naka-smile. Ako pa nga yung mas tensyonado bago mag-eleksyon,” bungad ni Ara sa aming interbyu.

Patuloy niya, “Supposed to be ako talaga yung tatakbo for councilor, pero hindi na ako sumabay nung alam ko na tatakbo siyang mayor. Na-try na namin yon before, na sabay kami and sobrang hirap, sobrang exhausted ako.

“And okey lang din kasi yung business ko, yung Hazelberry Café, nag-aayos ako ng system ngayon kasi open na kami for franchising, so hindi rin biro ang mag-set up ng system. 

 “At saka humingi rin ako ng sign kay God, eh, if I’m going to run this election, hindi niya binigay.”

When asked kung itutuloy pa ba nila ng ex-boyfriend na si Patrick Meneses ang pagpo-produce ng pelikulang pagsasamahan nina Barbie Imperial at JM de Guzman ay nag-explain din ang award-winning actress.

Aniya, “Kasi nga nila-lobby ko yung movie nila for Cineko dahil maraming fans nila ang kinukulit ako. Kaso paano na magpi-pitch ng story, tapos kung ready na at na-approve na yung story hindi naman sila okay?

“So sabi ko, paano kaya yon? So naka-pending yung project. Actually, nanghihinayang ako sa kanila, kasi yung crowd at love team na na-create nila hindi rin basta-basta.

“Ang dami nilang fans and until now kinukulit pa rin nila ako na ituloy yung project kasi sayang din talaga. Hindi kasi lahat ng love team nakakakuha ng ganun kalaking fans. I hope, someday magiging maayos sila.”

Naging malapit si Ara kina Barbie at JM dahil nagkasama sila sa afternoon series ng ABS-CBN na Araw Gabi.

Sino ba ang kinampihan niya sa away nina Barbie at JM?

“Gitna lang ako,” sagot agad ng aktres. “Pero siyempre, mas close ako kay Barbie. Mahirap naman kung mas close ako kay JM, baka matsismis pa kami ni JM, di ba (Laughs). Pero I’m okey with JM also,” lahad niya na nakangiti.

Samantala, Ara is part of the film The Last Interview: The Mayor Antonio Halili Story na idinirek ni Caesar Soriano. Palabas na simula pa nitong May 22 ang pelikula.