• Home
  • Fresh Scoops
  • Mayor-Elect Isko Moreno on being a dad: ‘Hiningi ko sa kanilang lahat, diploma lang’

Mayor-Elect Isko Moreno on being a dad: ‘Hiningi ko sa kanilang lahat, diploma lang’

Mayor-Elect Isko Moreno, sinabi kung bakit ayaw agad mag-artista ang anak na si Joaquin Domagoso.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

5/23/2019 12:25 PM
Mayor-Elect Isko Moreno on being a dad: ‘Hiningi ko sa kanilang lahat, diploma lang’


On Tonight with Boy Abunda, isinama ni Mayor-Elect to the City of Manila Isko Moreno ang kanyang anak na si Joaquin Domagoso na ayon sa kanya ay gustong sumunod sa yapak niya at maging isang artista. 

READ: Kris Aquino magbo-volunteer kay Mayor Isko Moreno para i-promote ang Maynila

 

Inamin naman ni Isko na ayaw niya sanang mag-artista agad ang mga anak niya hangga’t hindi sila nakakapagtapos ng pag-aaral. Ang sabi raw niya sa mga anak niya ay, “Ayaw ko kayong matulad kayo sa akin na hindi kayo nakapag-aral sa takdang panahon.” Paliwanag ni Isko, “Ang pag-aaral ko hinabol ko na lang later on e… Meron na silang opportunity, mag-ieskwela na lang, wala nang ibang gagawin e…”

Ganunpaman, mapilit diumano ang anak ni Isko na si Joaquin na pasukin na ang industriya at isabay ito sa pag-aaral. “Sabi ko it can wait pero e gigil na gigil. Ginamit pa si Waway, anong gagawin ko?” kuwento ni Isko.

Ang usapan daw nila ni Joaquin ay papayag siya basta makita nito ang grade ng anak at balang araw ay magbigay ito sa kanya ng diploma. “Hiningi ko sa kanila lahat, diploma lang,” ani Isko.

Nang tanungin naman si Joaquin kung ano ang best and worst part ng kanyang ama sinabi nito na, “The best part is, my Dad is a good person. He is always trying to help people kahit kelan, especially his time. He is giving away a lot of his time.”

Kung kaya ito naman daw ang worst part ni Isko na hindi nila ito madalas makasama. Kuwento ni Joaquin, malungkot siya noon dahil dito pero ngayon daw, “I’m okay. Like I don’t get to see you a lot because you’re helping a lot of people out there.”