• Home
  • Fresh Scoops
  • Ion Perez on his greatest heartbreak: ‘Na-prove na talaga na may iba siya’

Ion Perez on his greatest heartbreak: ‘Na-prove na talaga na may iba siya’

Ion Perez, naranasang ipagpalit sa ibang lalaki noong nasa kolehiyo siya.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

5/23/2019 12:15 PM
Ion Perez on his greatest heartbreak: ‘Na-prove na talaga na may iba siya’


Photo credit: Misterology/Cyrus Kaiser (R)/ Lito Caleon/ MANILA BULLETIN (L)

Sa video upload ng ABS-CBN Lifestyle, nag-share si It’s Showtime’s Ion “Kuya Escort” Perez tungkol sa kanyang greatest heartbreak. 

Kuwento ni Ion, nagkaroon siya ng girlfriend noong high school siya. Nagsimula daw sa crush tapos four months niya itong niligawan hanggang sa maging sila ng nine months. 

Espesyal ang naging relationship ni Ion sa dalaga dahil may mga pinagsamahan silang hindi malilimutan katulad ng pagse-share nila ng baon sa isa’t isa. “Kulang yung baon ko, kulang yung baon niya. Binibigyan namin yung isa’t isa,” ani Ion.

Bukod dito ay magkasama din daw sila sa mga kalokohan. “Magkasundo kami sa mga kalokohan. Tatakas sa bahay ng hindi nagpapaalam. Iinom kami ng hindi alam sa amin,” kuwento pa ng binata. 

Pero noong college na sila ay magkahiwalay diumano sila ng pinasukan na school. Hanggang sa nagkuwento ang mga barkada niya na nakikita ang girlfriend niya na may ka-holding hands at lagi nang may kasamang iba. 

Ayaw daw maniwala ni Ion hanggang sa “pinicturan” ang girlfriend kasama ang sinasabing boyfriend nito. “Na-prove na talaga na may iba siya,” ani Ion. 

Nag-deny pa daw ang girlfriend ni Ion noong una hanggang sa ipakita niya ang picture nito na may kasamang ibang lalaki.

“Sobrang sakit” diumano ng karanasan na yun para kay Ion. Tanong daw ni Ion noon sa sarili niya, “anong kulang sa mga ginawa ko?” 

Pagtatapos ni Ion, “dumating din sa point na naghihinayang din ako, pero okay lang yun. Kung nagawa niya nung una, baka gawin niya ulit.”  

READ: Ion Perez to Vice Ganda: ‘Okay lang ako masaktan, maging masaya ka lang’