Gabby Concepcion, sinubukan ang Gender Swap filter

Ikinatuwa ng netizens ang resulta ng Gender Swap filter ng aktor na si Gabby Concepcion matapos itong i-share ng anak na si KC Concepcion sa kanyang Instagram Stories noong Miyerkules.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

5/23/2019 2:09 PM
Gabby Concepcion, sinubukan ang Gender Swap filter


Photo credit: @concepciongabby/ @kcconcepcion on Instagram

Ikinatuwa ng netizens ang resulta ng Gender Swap filter ng aktor na si Gabby Concepcion matapos itong i-share ng anak na si KC Concepcion sa kanyang Instagram Stories noong Miyerkules.

“Breaking news! My pops [Gabby] discovered the new Snapchat app that turns guys into girls.

“The result is basically me,” aniya.

Sa isa pang entry ay nagpa-poll si KC sa kanyang followers: “Who do you love more? The real KC [or] the Imposter: Gabby?”

Si KC ay anak ni Gabby sa kanyang dating asawa na si Megastar Sharon Cuneta.

Bukod kay Gabby ay marami nang celebrities ang nag-trending matapos subukan ang Gender Swap filter, kabilang na sina Maine Mendoza, Pia Wurtzbach, at Luis Manzano.

LOOK: Celebrities transform via gender swap filter