• Home
  • Fresh Scoops
  • Fumiya Sankai, gustong maka-collaborate si Baninay Bautista sa kanyang vlog

Fumiya Sankai, gustong maka-collaborate si Baninay Bautista sa kanyang vlog

‘I want to talk about PBB [with her],’ paliwanag ni Fumiya Sankai kung bakit gusto niyang makasama sa isang vlog si Baninay Bautista.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

5/23/2019 12:05 PM
Fumiya Sankai, gustong maka-collaborate si Baninay Bautista sa kanyang vlog


Photo credit: @23shun_base/ @baninaybautista on Instagram

Inamin ng Pinoy Big Brother Otso Adult Big Four member na si Fumiya Sankai na gusto niyang makasama sa isang vlog si Baninay Bautista.

"I know only one vlogger in the Philippines. She's Baninay, kasi she's also an ex-housemate. That's why I want to collaborate with her, and I want to talk about PBB [with her]," pahayag ni Fumiya sa interview ng PUSH.

Tulad ni Fumiya, maalalang nagsimula rin si Baninay sa pagsali sa PBB noong 2016. Tinaguriang Bibang Bentang-gueña ng Batangas, isa si Baninay sa mga regular housemates sa PBB Lucky 7.

Sa ngayon, parehong lumampas na sa one million subscribers ang mga YouTube channels nina Fumiya (1.5 million) at Baninay (1.1 million).

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

i’m back!!!!

A post shared by BANINAY (@baninaybautista) on

 

LOOK: Fumiya Sankai warns followers of poser

Samantala sa episode ng PUSH Bets Live ay nagbigay din ng reaksyon si Fumiya sa pagpe-pair sa kanya sa kapwa adult housemate na si Apey Obera.

"Oh what's happened to this country," biro ni Fumiya.

"Kasi we're friends, pero were never like love teams," dagdag niya.

READ: Apey, naging emosyonal dahil sa sagot ni Fumiya

Panuorin ang episode ng PUSH Bets Live dito:

Mapapanuod si Fumiya tuwing Sabado sa Home Sweetie Home: Extra Sweet.