• Home
  • Fresh Scoops
  • FIRST LOOK: Paolo Ballesteros, Christian Bables, Martin Del Rosario as The Panti Sisters

FIRST LOOK: Paolo Ballesteros, Christian Bables, Martin Del Rosario as The Panti Sisters

Creator Jun Lana releases a teaser clip of Paolo Ballesteros, Christian Bables, and Martin Del Rosario as their characters in ‘The Panti Sisters.’

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

5/23/2019 11:58 AM
FIRST LOOK: Paolo Ballesteros, Christian Bables, Martin Del Rosario as The Panti Sisters


Inilabas na ng Creative Producer na si Jun Robles Lana ang unang pasilip sa mga karakter nina Paolo Ballesteros, Christian Bables, at Martin Del Rosario para sa pelikulang The Panti Sisters. Sa kanyang Instagram, pinost ni Jun Lana noong May 21, ang naturang boomerang clip kung saan ay naka-costume at in-character ang kanyang tatlong lead actors.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

The Panti Sisters

A post shared by Jun Robles Lana (@junrobleslana) on

READ: Direk Perci Intalan, naging ‘personal crusade’ ang paggawa ng LGBT-themed movies

READ EXCLUSIVE: Perci Intalan, sinabing babae ang mga makaka-pareha nina Paolo Ballesteros, Christian Bables, at Martin Del Rosario sa ‘The Panti Sisters’

Mula sa parehong team na gumawa ng award-winning film na Die Beautiful at ang sequel movie nitong Born Beautiful, ang The Panti Sisters ay ang bagong aabangang LGBTQ-themed movie mula sa direksyon ni Perci Intalan.

Nitong nakaraang linggo ay inilabas din ng co-producer nito na Black Sheep ang ilang mga artistang makakasama ng tatlo. Nariyan ang Pinoy Big Brother Star Dreamer na si Mark McMahon, Cedrick Juan, Rosanna Roces, Carmi Martin, at Roxanne Barcelo.

LOOK: PBB Star Dreamer Mark McMahon joins the cast of ‘The Panti Sisters’

Ang The Panti Sisters ay tungkol sa tatlong bakla na magkakapatid na maiipit sa kahilingan ng kanilang ama na magkaroon ng apo bago nito ibahagi ang mana.

Kasali sa listahan ang naturang pelikula sa darating na Pista Ng Pelikulang Pilipino sa Setyembre.